^

Pang Movies

Mga driver puwedeng magkaroon ng bonggang future!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

I will always have a soft spot for drivers kaya nang magkaroon sila ng nationwide strike noong Lunes, I can feel their pain.

Jeepney driver ang tatay ko na naghahatid ng mga dumarating na pasahero ng Pantranco sa mga bahay nila.

Nagbibigay siya ng boundary sa isang jeepney owner at ang kinikita niya ang pang-gastos namin sa bahay namin sa looban na pinagtataguan ng nanay ko sa inutangan nito na Bumbay at sa Chinese sari-sari owner na si Ahpe.

Kung minsan, mga manok at gulay ang ibinabayad ng mga pasahero sa tatay ko kaya madalas na nagagalit ang may-ari ng jeep dahil walang boundary na maibigay sa kanya.

Pero ewan ko kung bakit mula pa noong bata ako, never ako naka-feel ng intimidation o feeling na kulang o bakit kami ganoon kahirap.

Bata pa ako, contented na contented ako sa lagay ng buhay namin. Walang question kung bakit wala kaming TV, refrigerator o bakit ang mga nakatira sa apartment, nag-aaral sa Sta. Catalina samantalang ako, sa Moises Salvador na isang public school. Bakit sa Centro Escolar University nag-aaral ang ibang mga kapit-bahay ko at  V. Mapa High School ang school ko?

Driver ang tatay ko, housewife nanay ko pero lahat naman kami, nabuhay nang maayos. Dentist ang kapatid ko na si Evelyn, naging teacher ang isa at nakapasok naman sa isang marketing company ‘yung isa.

Ang ibig kong sabihin, kahit driver can have a better life basta may sipag at tiyaga. Don’t feel sorry for the life you have now, don’t fear the future, God is good kaya nga kung anuman ang problema ng mga driver, ang mga hirap na nadarama n’yo ngayon, fight lang. Laban lang dahil kaya n’yo ‘yan. Look forward for a better days ahead.

Jeric mabilis ang andar ng career

Natutuwa ako dahil umaandar na ang career ni Jeric Gonzales. Mukhang ang magic ni Joebar kay Ruru Madrid, ginawa rin niya kay Jeric dahil isa na ito sa mga pinaka-busy actor sa bakuran ng GMA-7 sa kasalukuyan.

Maganda ang role ni Jeric sa Magkaagaw, ang bagong afternoon drama series ng Kapuso Network.

Si Jeric ang lead star sa Magkaagaw at deserving siya na magbida sa isang teleserye.

Mabait at hardworking si Jeric kaya hindi kataka-taka na bigla siya na maging hot star.

May promise siya sa acting, guwapo at mataas, siya ang male endorser ng Bambbi Fuentes Salon, Bench model and now, lead role sa Magkaagaw, bongga di ba?

Go Jeric, gamitin ang anting-anting ni Joebar, soar high!

Si Klea Pineda ang love interest ni Jeric  sa Magkaagaw.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with