^

Pang Movies

AiAi emo sa pictorial sa Korean actor

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
AiAi emo sa pictorial sa Korean actor
AiAi Delas Alas

Nagtagumpay ang mag-inang AiAi at Sophia Delas Alas na makadalo sa meet-and-greet ng kanilang favorite Korean actor na si Park Seo Joon.

Hindi lang nakadalo ang dalawa dahil nabigyan sila ng chance na magkaroon ng photo op na kasama ang kanilang kinahihibangan na Korean actor.

Sa sobrang tuwa ni AiAi, napaiyak siya nang makita niya nang personal si Park Seo Joon. Hindi raw niya maipaliwanag kung bakit naging emosyonal siya.

Kakaiba ang pagkahumaling nina AiAi at Sophia kay Park Seo Joon dahil lahat ng mga show nito sa Netflix, pinapanood daw nila.

Naloka lang si AiAi dahil napaka-simple lang ni Park Seo Joon. T-shirt lang ang suot ng kanyang favorite Korean actor samantalang bihis na bihis si AiAi nang pumunta sa fan meet sa Mall of Asia Arena noong Linggo kaya napagkamalan siya na isa sa mga performer.

Nagpapasalamat si AiAi kay Ben Chan dahil ito ang nagbigay sa kanya ng complimentary VIP tickets para sa fan meet ni Park Seo Joon.

Nakarating daw kasi kay Ben ang balita na tatlong oras na pumila sina AiAi at Sophia sa Bench Tower office sa Bonifacio Global City para makakuha ng VIP tickets pero dahil sa dami ng mga tao, umuwi na luhaan ang mag-ina.

Hindi naman nabale-wala ang pagpila nina AiAi at Sophia dahil nalaman ni Ben ang sakri­pisyo na ginawa nila kaya pinadalhan sila ng VIP tickets.

Celebrity ambassador ng Bench si Park Seo Joon kaya si Ben Chan ang nagdala sa kanya sa Pilipinas para sa well-attended meet-and-greet.  Matatagalan pa talaga ang Korean invasion sa Pilipinas dahil parami nang parami ang mga Pilipino na nahuhumaling sa mga Korean actor.

Ruru may malaman na sinabi!

Makahulugan pala ang sinabi ni Ruru Madrid sa presscon ng Cara X Jagger tungkol sa tunay na winner sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search program ng GMA 7 noong 2011 hanggang 2012.

Hindi nag-elaborate si Ruru pero humalakhak siya nang malakas nang itanong ng mga reporter ang kanyang ibig sabihin.

Naintriga ang mga reporter dahil produkto si Ruru ng Second Season ng Protégé pero hindi siya nag-win.

Kahit runner-up lang si Ruru, siya ang unang sumikat at nagkaroon ng mga sunod-sunod na assignment.

Sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang top winners ng Season 2 ng Protégé.

Kilala na ngayon si Thea bilang mahusay na kontrabida sa mga teleserye ng GMA 7 at si Jeric naman ang next important leading man ng Kapuso Network dahil bida na siya sa Magkaagaw.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with