^

Pang Movies

Dingdong na-survive ang Berlin Maradthon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post si Marian Rivera-Dantes kasama ang mga anak nila ni Dingdong Dantes, na sina Zia at Ziggy: “Cheering for dada all the way from Manila to Berlin! Congratulations in advance and we’re super proud of you!”

Agad naman na ipinost ni Dingdong ang kanyang medal na may kasamang beer, “More than the finish line medal, i was just really looking forward to having this glass of cold beer with my teammates and friends. #BerlinLegend”

Isa nga sa kasama ni Dingdong sa Berlin Marathon 2019 ay ang isa sa ninong ni Ziggy na si Kuya Kim Atienza.

The Clash contestants sumama ang pakiramdam sa sobrang tension

Last Saturday and Sunday, sa The Clash singing contest ng GMA Network, dalawang contestants ang kinailangang lapatan ng paunang lunas ng paramedics na nakabantay sa mga contestant. Hindi maaalis na magkaroon ng ibang nararam­daman ang mga contestant na magkalabang kakanta dahil sa tensiyon.  

Last Saturday isang male contestant ang nakaranas ng pamamanhid ng mga kamay pagkatapos kumanta at last Sunday, isang female contestant naman ang nakaranas ng hirap sa paghinga. 

Thank God, na pagkatapos namang malapatan ng lunas, nakabalik pa rin sila sa stage, iyon nga lamang pareho silang hindi pinalad maupo sa dalawa sa 34 chairs ng mapipiling winners sa first round ng labanan.

Kris nakabawi na sa mga hacker

Thankful si Kris Bernal na nabawi na rin niya ang kanyang Instagram account mula sa hackers from Turkey noong September 22 na nanghihingi pa ng malaking halaga para lamang isoli nila ang kanyang social media account.

Sa tulong ng mga eksperto, mga kaibigan at ang home studio niya, ang GMA Network, last Thursday ay nabawi na niya ang IG account niya na may 1.4 million followers na.  Pinasalamatan din ni Kris ang mga supporters niya, mga taong hindi niya personal na kakilala pero nag-alok na bayaran ang mga hackers maisauli lamang ang account niya.  Kahit papaano ay nakakapagtrabaho na nang maayos si Kris sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na medyo mahihirap pa naman ang mga eksena niya bilang ang multong si Naomi at ang sinapian niyang katawan ni Katya (Kim Domingo).  Napapanood ito Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

Tetay Kapuso pa rin

Nananatiling Kapuso ang komedyanteng si Tetay nang muli siyang pumirma ng contract sa GMA Network.  At ang ikinatuwa niya, ang first project na ibinigay sa kanya ng network ay ang The Gift na for the first time nakakatrabaho na niya ang Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with