^

Pang Movies

Ex-wife ni Derek biglang naungkat dahil kay Andrea

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Walang opisyal na statement si Derek Ramsay tungkol sa kanyang kasal. Hindi niya sinasabing nagkaroon na nga ng annulment ang kasal niya kay Mary Christine Jolly na inamin naman niyang pinakasalan niya noong 2002. Ang sinabi lang niya ay hindi siya kasal.

Sa natatandaan namin, noong unang sumabog ang gulo nila, nagharap ng kaso si Jolly laban kay Derek dahil diumano sa pagpapabaya at hindi pagbibigay ng sustento ni Derek sa kanyang anak. Kasabay noon, nagharap din siya ng isang kasong concubinage laban kina Derek at ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, dahil sa pag-amin ng aktres na nag-live in sila sa panahon ng kanilang relasyon.

Umabot iyan sa mediation at ang naging pahayag ng judge noon, nagkaroon ng settlement ang magkabilang panig. Iniurong ni Jolly ang lahat ng kanyang mga demanda, iniurong na rin ni Derek ang pagsasampa ng kontra demanda laban sa dating asawa.

Ang kanilang anak na si Austin ay napunta sa custody ni Derek at hanggang ngayon ay nasa kanyang pangangalaga. Noon pa may usapan na ng annulment, hindi maliwanag kung iyon nga ba ay may desisyon na, o nagkasundo lamang sila na maghiwalay na at balewalain na lang ang kanilang kasal pagkatapos ng settlement.

Ang maliwanag lang ngayon, hindi na umaangal si Mary Christine Jolly at may sarili na ring buhay sa abroad. Si Austin naman, normal na ang buhay kasama si Derek.

Palagay namin, hindi naman natin dapat paguluhin ang sitwasyon. Kung si Derek man ay may relasyon nga ngayon kay Andrea Torres, ano ang pakialam ninyo? Kung si Derek man ay nagkaroon ng iba’t ibang girlfriend, wala rin kayong pakialam dahil wala naman siyang pinuwersa isa man sa mga iyon.

Catriona at basketball star ng La salle na-fake news

Hindi naman daw nagre-react si Clint Bondad doon sa lumabas na pictures ng dati niyang girlfriend na si Catriona Gray, kasama ang varsity cager na si Jordan Bartlett. Kasi kung iisipin nga naman, ano pa ang pakialam niya eh nag-split na sila noon pa?

Iyon naman palang picture, selfie lang. Nagkataon lang na nagkasama sa isang dinner ang dalawa, may humingi ng selfie dahil nagkakilala nga sila, at iyon lang iyon. Iyon namang ibang mahilig sa tsismis, nang makita ang picture ni Catriona na kasama ang poging basketball player ng La Salle, gumawa na agad ng usapan na iyon ang bagong syota ng Miss Universe.

Ang tsismis, lalo na’t kumalat sa internet, huwag ninyong paniniwalaan agad. Tambak ang fake news diyan.

Dating aktres gustong balikan ang ex na hiwalay 

Glowing ang dating ng isang female star. Ang kuwento ng girl, after 20 long years, nakita niya ulit ang isang dati niyang boyfriend. na-excite siya dahil kahit na may mga anak na iyon, nahiwalay naman sa asawa. Mukhang gusto pang makipagbalikan ng female star sa dati niyang syota.

Aminado naman si girl, na noong panahon nilang dalawa ay talagang in love siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na iyon. Hindi lang talaga sila nagkasundo dahil sa demands ng kanyang career. Eh ngayon hindi na ganun ang career niya, baka puwede na nga  sila ulit.

Pero ingat, baka pagmulan ng panibagong iskandalo iyan.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with