^

Pang Movies

Julia nanlilito!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia nanlilito!
Julia Montes

Sobrang na-excite ang fans ni Julia Montes sa ibinahaging impormasyon ni Boy Abunda sa kanyang Tonight With Boy Abunda na malapit nang umuwi ang aktres mula sa Germany.

Dito nga rin nalaman ng lahat na mali ang spekulasyon na nandito na sa bansa si Julia some months ago pa na ang tsika nga ay dito raw nanganak.

Pagbabalita ni Kuya Boy, ang latest info raw na natanggap niya ay galing sa former co-star at best friend ngayon ni Julia na si Mylene Dizon.

Na-interview daw kasi si Mylene na lumabas sa isang broadsheet at ikinuwento nito na constant pa rin ang communication nila at humihingi pa nga raw ng payo si Julia tungkol sa pagluluto.

“Ang huling update ni Julia ayon kay Mylene ay nagbabakasyon pa rin ito sa Germany kung saan nakabase ang kanyang ama. At ang magandang balita ay malapit na raw umuwi rito sa Pilipinas si Julia Montes,” pahayag pa ni Kuya Boy.

Labis na ikinatuwa ito ng kanyang fans na sabik na sabik nang makita o mapanood ang aktres.

Pero ang iba naman ay nalito dahil nga noon pa may tsikang nasa Pinas na raw si Julia. May nag-comment pang niloloko lang daw ng aktres ang mga tao.

Well, if true na nasa Germany pa nga si Julia at malapit nang umuwi, at least pagbalik niya ay malilinaw na niya siguro ang lahat ng tsismis once and for all.

Alden walang angal sa mabibigat na eksena

Since its pilot, gabi-gabing nagte-trending ang The Gift ni Alden Richards sa Twitter at talagang tutok na tutok ang mga tagasubaybay sa bawat kaganapan at eksena.

Pati sa ratings bawat gabi ay nakatutok ang mga fans ni Alden at happy sila na tumataas each night ang viewership nito. Dasal nga nila na sana ay tuluy-tuloy ang pagtaas ng ratings nito.

Para sa mga hooked viewers ng The Gift, nagsisilbing inspirasyon sa kanila ang serye na bawat araw ay mayroon daw silang natututunan.

“Everyday have (sic) lesson that we learned,yung maliit na bagay na akala mo wala lang nabibigyan ng meaning,yung tingin mo tama pero paghinimay mo pala e may mali, Were not perfect,kaya #TheGift its big help for us to improve our self esp. Our attitude,” ang tweet ng isang netizen.

Inaabangan na ng viewers ang mabibigat na eksena this week kung saan ay mawawala na ang paningin ni Sep (Alden).

Ken na-starstruck kay Roderick!

Aminado si Ken Chan na na-starstruck siya kay Roderick Paulate na co-star niya sa One of The Baes, ang bagong teleserye nila ni Rita Daniela na magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad.

Sobrang proud and honored si Ken na makasama si Kuya Dick dahil dati raw ay pinapanood niya lang ito.

“Tapos ngayon, katrabaho ko na. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatrabaho ko ang mga institusyon sa industriya,” sey ni Ken.

Sobrang thankful ng Kapuso actor sa napakagandang takbo ng career niya ngayon. Palibhasa nga ay mabait na anak at kapatid si Ken kaya naman sinuswerte siya.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with