^

Pang Movies

Derek nagalit nang ikumpara kay Gerald!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Derek nagalit nang ikumpara kay Gerald!

Hindi nagustuhan ni Derek Ramsay ang sinabi ng isang basher na hindi rin daw tatagal ang relasyon ng actor kay Andrea Torres. Sinabi pa ng basher na kaya lang nagkaroon ng relasyon ang dalawa ay dahil nagkasama nga sa isang serye.

Ngayong tapos na ang serye, wala na raw iyan. Tinaningan pa ng basher ng tatlong buwan ang kanilang relasyon.

May sinabi pa ang basher na “parang si Gerald Anderson lang iyan”.

Maliwanag na hindi nagustuhan ni Derek ang sinasabing iyon, kaya nasabi niyang isang araw ay gusto niyang makita at makaharap nang personal ang basher na iyon, na tiyak namang hindi haharap sa kanya.

Bagama’t marami nga ang nakarelasyon na rin ni Derek, wala naman ni isa man sa mga iyon ang nagsabi nang masama laban sa kanya, maliban doon sa isang babaeng pinakasalan niya at naging ina ng anak niya. Pero naayos na yata ang kanilang annulment kaya medyo tahimik na rin iyon.

Wala namang nagsasabing basta iniwan na lang sila ni Derek kahit na noong araw.

Pero ganyan talaga kasi ang mga artista. Ang buhay nila ay nasusundang lahat ng publiko kaya hindi mo maiwasan iyong may nakikialam at nagsasalita nang kung anu-ano. Hindi naman nila kilala ang artista nang personal, hindi nila alam kung bakit kung minsan ay may nangyayaring hindi maganda, pero mabilis silang magsalita nang kung anu-ano.

Hindi mo rin naman masisisi si Derek kung sakaling mapikon. Kung minsan naman kasi nakakakunsumi iyong hindi naman alam kung ano ang nasa loob mo tapos kung anu-anong kasiraan na ang sinasabi agad. Nakaka-asar talaga iyon.

Super Tekla hindi nakapalag sa takilya

Maaaring may panahon na napantayan o masasabi ngang nahigitan sa ratings ang show ni Vice Ganda ng kanyang mga kalabang sina Tekla at Boobay, pero mukhang sa pelikula ay malabong mangyari ang ganoon. Habang ang mga pelikula ni Vice ang laging inaasahang kikita nang milyon-milyon sa film festival, iyong pelikula ni Tekla ay hindi man lang umabot ng isang milyon sa unang araw sa kabila ng suporta ng kanyang network at endorsement din ng iba pang mga artista ng network nila.

Kung nakaabante sana kahit na papaano si Tekla, maaari nang sabihing siya talaga ang may potentials na ibangga kay Vice, pero bumagsak siya agad sa una niyang pagtatangka.

Aktor na dating mailap sa bading, natuto na ring ‘mag-sideline’!

Sinasabi noon na isa siya sa pinaka-goodlooking male star na sumubok sa sexy movies noong 90s, pero pagkatapos na gumawa ng pelikula, umurong na siya dahil hindi niya nagustuhan ang kapalit ng kanyang producer.

Kung pumayag siya noon, ang pangako ay siya ang title role sa susunod niyang pelikula. Pero mas minabuti niyang magbalik sa pribadong pamumuhay sa probinsiya nila.

Mailap daw talaga siya sa mga bading, in fact iyon daw ang dahilan kung bakit sa kabila ng hula na siya ang mananalo, runner up lamang siya sa pageant na kanyang sinalihan. Pero ano itong balita na kung kailan may edad na siya, may asawa at mga anak, at saka pa siya “nagsa-sideline”?

Maraming nakakakita sa kanya sa mga lugar na istambayan ng mga nagsa-sideline. Bakit naghirap na ba ang kanyang buhay?

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with