^

Pang Movies

Mga anak ni Juday hindi alam na artista siya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga anak ni Juday hindi alam na artista siya!

In fairness, maganda ang pilot episode ng Starla na ipinanood ng ABS-CBN at Dreamscape ni Sir Deo Endrinal sa entertainment press at bloggers kahapon, kaya kahit one hour long ‘yon ay nag-enjoy kami sa panonood.

Sa October 7 na nga ay mapapanood na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang Starla na pinangungunahan ni Judy Ann Santos.

“Mang-aapi” nga si Juday sa bago niyang series na mapapanood after ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero may dahilan naman daw kung bakit ganoon ang character niya sa show.

Naaliw nga pala ang mga nasa presscon nang sabihin ni Juday na hindi alam ng mga anak niya na artista siya. Na ang alam ng mga ito ay TV host siya.

So, itong Starla raw ang patunay niya sa mga anak na artista nga siya at dahil pambata ito ay mapapanood nga ng kanyang mga anak.

“Gusto ko na maging proud sila sa akin, na artista talaga ako,” sabi ni Juday.

Presscon ng Starla nagmistulang children’s party

Parang children’s party nga pala ang Starla presscon kahapon dahil nagbilin ang mga taga-Dos na puwedeng magdala ng anak o pamangkin ang mga imbitado.

Actually, ang daming food carts na puro mga pambata ang mga pagkain.

So, kahapon, parang dalawang children’s party ang pinuntahan ko dahil from Starla presscon ay go naman ako sa party ng apo ni Annabelle Rama, si Aria, panganay nina Elvis at Alexa Gutierrez.

Siyempre, proud lola si Bisaya at siya ang nag-aasikaso sa mga bisita.

Masaya si Bisaya dahil kasama niya ang mga apo sa party na ‘yon.

Actually, mas tutok na ngayon si Bisaya sa kanyang mga apo.

Noong Thursday nga ay stressed siya dahil may sakit ang panganay niyang apo na si Lorin Gutierrez.

Richard at Sarah parehong aligaga sa shooting

Wow, day 15 na pala ng shooting kahapon ng pelikula nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Ang bilis din nilang mag-shooting.

Basta available ang mga artista, may schedule sila ng shooting.

Hindi ko nga sure kung nakasipot pa ba si Richard sa birthday party kahapon ni Aria dahil may shooting nga sila.

Noong Friday, may shooting din si Richard at may shooting din si Sarah Lahbati ng Vic Sotto movie naman, kaya narinig ko nang sabihan ni Tito Eddie Gutierrez ang anak na pupunta siya noong Friday sa bahay ng mga ito para siya ang makasama ng mga apong sina Zion at Kai.

Love na love ng mga apo si Tito Eddie at enjoy rin naman ang lolo sa pag-aalaga sa mga ito kaya madalas siyang dumalaw sa bahay nila Richard at Sarah.

Si Tito Eddie nga ang nagtuturo sa mga apo na kumanta.

Si Zion, kay Tito Eddie natutunan ang kanyang paboritong Elvis Presley songs.

‘Yun na!

vuukle comment

STARLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with