^

Pang Movies

Kris wala talagang mean bone

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris wala talagang mean bone

Alam mo Salve, kilig din ako pag nagko-comment mga artista na napo-post natin sa IG

Natutuwa ako na binabasa pala nila iyon posting ko. Unang nag-comment sa atin nun si Coco Martin at napatunayan ko na tutoo dahil nang magkita kami ‘asan si Salve’ ang bungad niya.

Nakakatuwa si Donna Cruz dahil from Cebu, nagawa niya na makipag-communicate sa akin. Sina Derek Ramsay, Marian at Dingdong Dantes, regular na nagko- comment at nagpapasalamat.

Very flattering at heartwarming dahil one thing I really appreciate kapag binabasa ang mga isinusulat ko pero naloloka ako kay Kris Aquino.

Bongga ang haba ng mga comment ni Kris at talagang on point sa pag-clear out sa mga isinusulat ko na isyu.

Love ko na may time si Kris na iniuukol para basahin ang mga post ko na kung minsan, sobra sa haba kaya mahaba rin ang sagot niya.

Don’t worry Kris, kahit love/hate ang relationship natin kung minsan, I will always stand by what I said na never ka nagkaroon ng mean bone. Sumpungin ka, naughty, frank, tactless pero you have a pure heart.

With or without your promise S&R GCs, love pa rin kita kasi nga type ko ang pagiging sumpungin mo. Cheers. Thank you for reading my posts.

Manay Ichu labas-masok sa ICU

Humihingi ako ng dasal sa followers at readers ko para kay Manay Ichu Maceda na madalas na in and out of the hospital dahil sa kanyang heart problem.

Halos nakatira na si Manay Ichu sa ICU ng ospital dahil sa mga nararamdaman niya.

Tulad ni Mother Lily Monteverde, parang second mother ko na si Manay Ichu sa showbiz. Sila ang takbuhan ng mga nangangailangan at kung may mga gusto na magpatulong.

Palaging bukas sa sinuman sina Mother Lily at Manay Ichu.

Lumaking mayaman at influential si Manay Ichu pero kapag kasama mo siya, hindi mo mapi-feel kahit kailan ang ranking at leveling.

Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat, siya ang nagmana sa PR ng kanyang ama na si Doc. Jose Perez na legendary ang pagiging mabait sa mga taga-showbiz.

Ipagdasal po natin si Manay Ichu na isang mabuting tao at sure ako tutulungan siya ni Mama Mary dahil magkasama sila ni Bishop Soc Villegas nang i-launch nila ang Holy Rosary Crusade sa showbiz. Get well Manay Ichu, we will always pray for your health. Love you.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with