Kanta ni Jaya theme song na ng K-Drama!
Bagay na bagay ang kanta ni Jaya na Hanggang Dito na Lang sa K-Drama na I Have A Lover na ipapalabas na sa ABS-CBN.
Bida sa nasabing serye sina Kim Hyun-joo, Ji Jin-hee, Park Han-byul at Lee Kyu-han.
Samantala, masaya naman ang Queen of Soul na si Jaya dahil sa wakas natupad na rin ang pangarap niya na magamit ang kanyang kanta bilang themesong kahit isa man lang sa mga teleserye ng Dos.
Abala ngayon si Jaya sa pagiging hurado sa Tawag Na Tanghalan sa It’s Showtime, lalo pa nga at grand finals na ito.
Maipagmamalaki talaga ang timeless at soulful na boses ng batikang singer, kaya naman proud pa rin sa kanya ang fans.
Lalo pang ºaabangan ang I Have A Lover dahil sa boses ni Jaya.
- Latest