^

Pang Movies

Super Tekla inaasahang hahabol kay Kim!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Super Tekla inaasahang hahabol kay Kim!

Alam mo, Ateng Salve, bago pa man nag-showing ang #Jowable ni Kim Molina ay may nagsabi na sa akin na mas kikita ‘yon compared sa launching movie ni Super Tekla na Kiko En Lala.

Pinakain ng alikabok ng pelikula ni Kim ang pelikula ni Super Tekla.

Tsk... tsk... tsk... kawawa naman, sana ngayong weekend ay lumakas naman sa takilya ang pelikula ni Super Tekla.

Sana ‘yung mga nanonood ng Sunday show nila ni Boobay sa GMA-7 ay manood ng Kiko En Lala, huh!

Ang pelikula nga pala ni Super Tekla ay hindi nagpa-review sa CEB (Cinema Evaluation Board) at ang #Jowable naman ay no grade nang magpa-review.

Pero may mga nagsasabing naaaliw sila sa pelikula ni Kim.

Magwa-watch nga pala ako ng #Jowable dahil type ko naman ang trailer nila.

Mag-watch din ako ng Super Tekla bilang support sa local movie industry.

Kathryn at Daniel mag-e-enjoy muna sa Iceland bago pag-usapan ang 2020 movie

Two weeks daw sa Iceland ang mag-sweethearts na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pagbalik kaya nila ay pag-uusapan na ang 2020 movie nila?

Gusto ng karamihang KathNiel fans na pang-Valentine 2020 ang next movie ng mag-sweethearts.

Pagbigyan kaya ‘yon nina Kathryn at Daniel at ng Star Cinema?

Malaking Halloween event pinaghahandaan ng celebrities!

May big halloween event na pinaghahandaan si Raymond Gutierrez.

Maraming stars and celebrities ang excited na para roon.

Si Ruffa Gutierrez, pinaghahandaan na ang kanyang outfit.

Isang international fashion designer na identified sa ilang Hollywood stars and gagawa no’n para kay Ruffa.

“How exciting!” ang halos mapatiling dialogue ni Ruffa.

‘Yun na!

vuukle comment

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with