^

Pang Movies

Richard, Bea at Angelica walang pahinga sa ginagawang pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard, Bea at Angelica walang pahinga sa ginagawang pelikula
Richard Gutierrez

In full swing na ang shooting ng pelikula nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo with Angelica Panganiban.

Kahit weekend like today and tomorrow ay may shooting sila.

Malamang na this year na ang showing ng pelikulang ‘yon.

Annabelle adik din sa TKB

Alam mo, Ateng Salve, nakakaloka ang pagka-addict ni Annabelle Rama sa The Killer Bride ng ABS-CBN at pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa isang endorsement shoot kahapon kung saan ay binisita niya si Richard, natataranta siya dahil hindi niya mahanap sa kanyang cellphone ang iWant app.

Gusto kasi niyang mapanood ang last episode ng nasabing series.

Nag-guest sa pilot week ng The Killer Bride ang mister niyang si Eddie Gutierrez at kahit wala na roon ang veteran actor ay tutok na tutok pa rin sa series si Bisaya.

Actually, marami ang addicted sa series na ‘yon nina Maja, Joshua Garcia at Janella Salvador.

Iconic concert ubusan ang ticket

‘Kaloka, Ateng Salve, maraming nangungulit sa akin para makabili ng platinum tickets sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.

Eh, sold-out na talaga ang platinum tickets para sa October 18 & 19 Araneta Concert ng Megastar at Asia’s Songbird, kaya wala na talagang magagawa, huh!

Anyway, may ibang tickets pa namang available, kaya kailangang magmadali sa pagbili para huwag maubusan, huh!

Female celeb na nabawasan na ang kasikatan, nagmamaldita pa rin sa fans

Disappointed ang ilang mga fan ng isang kilalang female celebrity.

Dinalhan kasi nila ng pagkain si kilalang female celebrity at nag-dialogue ang isa sa kanila ng, “You eat that, ha!”

Sagot daw ni female celebrity, “Do I have a choice?!”

Naloka raw ang mga fan, kaya ngayon, dedma na sila kay female celebrity.

Wala rin daw silang balak na panoorin ang pelikula ni female celebrity with a new leading man na malapit na ang showing.

Sabi naman ng isang fan na nakausap ko, “Hindi na siya ganoon kasikat, dapat maging nice na siya ngayon. ‘Yung ugali niyang ganoon, baguhin na niya!”

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with