^

Pang Movies

Baron seryoso sa pagpa-pastor

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Baron seryoso sa pagpa-pastor
Baron Geisler

How nice naman, Salve A., of Baron Geisler na nag-attend ng wake ng nasirang si Isah Red sa chapel ng Sta. Rita sa loob ng exclusive PhilAm subdivision.

Asked kung close sila ni Isah at naisip niyang dumating sa wake nito, umiling si Baron. Hindi pa raw sila nagkikita o nagkakausap man lang, aniya.

But one month ago raw, may nabasa siyang article na isinulat ni Isah para sa isang broadsheet na tungkol sa kanya at ang ganda raw nito.

Kaya, naisip niya raw na makipagkita ng personal kay Isah one day soon. Only to find out na binawian na nga ito ng buhay.

Masaya at fulfilled naman ang pakiramdam ni Baron ngayon. Malapit na raw siyang maging tatay ulit. Ulit dahil mayroon na pala siyang dalawang anak na babae with his past relationships with two women.

Ang kanyang asawang si Jamie Evangelista, isang licensed Psychologist, aniya, has two boys naman. Na ‘di siya ang ama.

First baby nila ang dinadala ni Jamie, na in three months ay isisilang niya.

Habang sinusulat namin ito, though, wala pa silang alam ng mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang anak. Although, malalaman daw nila soon, ayon sa obstetrician ni Jamie.

Masaya raw siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Contrary raw sa report, di siya pasaway bilang member ng cast ng top action series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Love na love niya raw ang kanyang role. At tinatanaw niya raw na malaking utang na loob, kay Coco Martin at sa Dreamscape na kasama siya sa cast nito.

Right now, too, what is keeping him daw happy, susog pa ni Baron, ay ang kanyang pag-aaral ng Theology.  In time raw nga kasi, gusto niyang maging isang Pastor.

Hindi nga lang nabanggit ni Baron sa kung anong congregation balak niyang maging isang Pastor.

Well, good luck and God bless, Baron.

Elisse ayaw nang pag-usapan si McCoy

Mukhang ‘di na nga favorite mapag-usapan ni Elisse Joson ang anything about her former boyfriend na si McCoy de Leon. Mas nag-brighten ang kanyang face, sa presscon ng kanyang new endorsement, Cathy Doll Ready To White, a new skincare brands popular in Thailand na available na dito sa Pilipinas, nang ma-mention ang pangalan ni Jameson Blake.

Yes, close raw sila ni Jameson, bagama’t priority niya ngayon ang kanyang showbiz career. Lalo pa nga at may bago siyang series, ang Sandugo, kung saan makakasama niya sina Ejay Falcon, Aljur Abrenica at Jessy Mendiola.

Featured din dito ang senior stars na sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Gardo Verzosa at Vina Morales.

Sayang daw at dahil nakatakda pa lang isahimpapawid ang Sandugo sa darating na Lunes (September 30), hindi pa siya nor the other members of the cast allowed to discuss lengthily their respective roles.

A production of Dreamscape, headed by Deo Edrinal, Sandugo is directed by Darnel Joy Villaflor at Ram Tolentino.

HLG halos isang bilyon na

Wow, sobrang suwerte nga ang ibinibigay kay Kathryn Bernardo ng still showing niyang movie na Hello, Love, Goodbye (HLG), which marks her first team-up with Alden Richards and directed by Cathy Garcia-Molina.

As of the writing, sources close to Star Cine­ma, na siyang nag-produce ng HLG, almost a billion na raw ang kinita ng pelikula.

Well, of Kathryn, sa katatapos na EdukCircle Awards, pinangalanan siyang Most Influential Actress at Most Influential Female Endorser.

Wala pang tiyak na assignment si Kathryn after HLG. Although eager siya na muling makasama ang kanyang reel-and real-life boyfriend na si Da­niel Padilla sa pelikula.

Ayon kay Kathryn, okay lang sa kanya kung ipa-partner ng Star Cinema si Daniel sa ibang leading lady.

Well, if this isn’t love, I don’t know what is.

By the way, in the same EdukCircle Awards, pinangalanan ding Most Influential Male Film Actor of the Year at Most Influential Male Endorser of the Year si Daniel.

While Kathryn is 23 years old, 24 naman si Daniel.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with