^

Pang Movies

Andrea na-impluwensiyahan ni Derek

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Andrea na-impluwensiyahan ni Derek
Andrea, Derek

Last Wednesday ay nag-last taping day ang sexy-drama series na The Better Woman ng GMA Network nina Andrea Torres (in dual role) at Derek Ramsay. 

Tonight, mapapanood na ang pinakaaabangang grand finale ng serye na dinirek ni Mark Sicat dela Cruz.

Pero kahapon ng umaga, pagkatapos ng taping, umalis papuntang Dubai sina Derek at Andrea, si Derek to play basketball sa MPBL, at sasamahan naman siya ni Andrea. Kaya naman biro ng mga entertainment press na dumalaw sa last taping day nila, sila na bang dalawa?

Ang hirap pasagutin ng “yes” ang dalawa pero based sa mga sagot nila sa mga tanong, hindi na nila kailangang sumagot sila ng ‘yes’.

Walang ligawang nangyari, basta naging close na lamang sila simula pa nang mag-shoot sila ng summer plug for The Better Woman.

First time ring naging open si Andrea na magsalita tungkol sa isang relasyon. Basta madaling nagkasundo ang kanilang mga parents.

“That is the woman na may breeding,” sabi ng mom ni Derek kay Andrea. “Ako naman hindi ko na dapat ipakita ang best foot forward ko sa parents ni Andrea. Eversince naman kasi kung may karelasyon ako, lagi kong binibigyang importansiya ang parents nila.”

“Marespeto siya,” sabi ng dad ni Andrea tungkol kay Derek. “Si daddy, mahirap ma-impress ng guy na ipinakikilala ko sa kanya, kaya nakakatuwa na na-impress siya ni Derek.”

Parehong masaya kung anuman meron na sila ngayon, ang parents nila kasama nila sa mga plano nila. “Good influence sa akin si Derek,” sey ni Andrea. “Andrea is always there to support me,” bawi naman ni Derek.

Inamin na rin nina Derek at Andrea na may mga eksena sila sa The Better Woman na nalilimutan nilang ‘love’ ang tawagan nilang mag-asawa, minsan daw pinalulusot na ni Direk Mark iyong tawagan nilang ‘babe’ at ‘chin-chin’ na tawag sa kanya ni Derek off-camera.

Sa huli, kitang-kita mo ang happiness nina Derek at Andrea na hindi pwedeng itago sa hindi pagsagot ng ‘yes’ tungkol sa totoo na nilang relasyon na nabuo sa kanilang pagtatambal sa serye.

Kaya tonight, huwag ninyong i-miss kung paano makakaligtas sina Jasmine at Andrew sa mga bagong paghihiganti ni Juliet sa kanilang mag-asawa.  Ano ang magiging ending ng character ni Andrea bilang si Juliet?  Mapapanood ito pagkatapos ng The Gift.

Rita sanay na kontrabida

Nasanay na ang singer-stage actress na si Rita Daniela na gumanap sa mga support role sa mga project na ginagawa niya sa GMA Network, kaya na-excite siya nang for the first time, ini-launch na siya bilang bida sa romantic-comedy series na One of the Baes, na pinu-produce ng GMA News & Public Affairs.

“Bale ito talaga ang lead role ko dahil iyong unang team-up namin ni Ken Chan, ang My Special Tatay, more than half na ng story nang pumasok ang lead character ko.

Kaya po I’m very thankful sa GMA na binigyan na nila ako ng lead role.”

Sa Monday, September 30 na ang world premiere ng One of the Baes na papalit sa The Better Woman.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with