^

Pang Movies

Alex Gonzaga nasilat sa palusot sa pang-iisnab kina Rita at Ken!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alex Gonzaga nasilat sa palusot sa pang-iisnab kina Rita at Ken!
Rita, Ken

Hindi fake news ang kuwento ni Nay Lolit Solis na inisnab ni Alex Gonzaga sina Ken Chan at Rita Daniela nang magkita-kita sila sa isang airport sa Mindanao.

Kahit ayaw nang palakihin ni Rita dahil nag-message na si Alex sa Kapuso actress/singer, hindi naiwasang pag-usapan kahapon sa presscon ng One of the Baes na pinagbibidahan nila ni Ken Chan.

“Unang-una po, hindi naman po dapat na gawing issue kasi wala naman din po ‘yon para sa amin ni Ken. And sana ‘wag na lang po nating palakihin pa. Tapos na po ‘yon,” sabi ni Rita kahapon sa entertainment press na nag-attend sa presscon. 

“Ok na po kami ni Alex. Nakapag-usap naman na kami. ‘Yon po ‘yong pinaka-importante so wala naman pong mas dapat pang i-OA pa so ok na po,” dagdag ni Rita.

Sabi pa niya : “Naiintindihan po namin ni Ken kasi kami din po bilang artista maari noong panahon na ‘yon ay baka may pinagdadaanan lang siya or pagod siya at naiintindihan namin ‘yon kasi kami rin nangyayari din po sa amin,” katuwiran ni Rita.

“’Yon honestly sa amin po hindi po ‘yon big deal so sana po ‘wag na po nating masamain.”

So kung nag-reach out si Alex totoo ang isnaban. Pero bakit nangatuwiran pa si Alex sa IG post ni Nay Lolit ng : “Ayyy nanay lolit, di po tayo magkakilala pero sino po source nyo mukhang mali ata kasi nagkamayan at ng hi pa po kami sa isat isa at lahat ng iba pang GMA artists sa lounge, Niretweet ko pa si ken noon dahil nagchambe chambe sya. Lastly Salamat po sa mga salita nyo tungkol sakin ah, heartwarming,” sarcastic na comment ni Alex.

Kung walang pangyayari bakit siya nag-message kay Rita?

Nauna nang pinanindigan ng source ni Nay Lolit ang pang-iisnab nito.

“In regard po sa pangyayari kay Alex Gonzaga, Rita Daniela at Ken Chan, sumusumpa po ang source ko na totoo daw nangyari ang bagay na iyon. Hindi ko gustong siraan si Alex, actually nga ang gusto ko pagalitan sila Rita at Ken dahil for me, you treat yourself better para hindi ka ma-snob. Very demeaning na gawin ng isang kapwa mo artista ang ginawa ni Alex, pero karapatan niya kung ayaw niya makipag-chica.

“Hindi ko naman sinasabi na dapat feeling big stars din sila Rita at Ken pero sa mga okasyon na ganun, isipin mo rin na dala mo ang bandera ng GMA at para sa isang ABS star na umasta ng ganun para bang ano ‘you feel we are smaller’ ang dating.

“Tama rin iyon iba bakit para bang mas affected ako. Of course, dahil hindi ba para kayong neighbors na dapat mabait sa isa’t isa. Na dapat pag magkakasabay kayo sa isang lugar pare-pareho kayong representative ng showbiz, walang mataas o mababa, walang mas sikat o baguhan?

“Si Coco Martin kahit saan makakita ng taga-showbiz, kahit hindi niya kilala, binabati niya, pakita sa mga tao na iisang mundo silang lahat na artista, walang ABS o GMA. Iyon lang ang hinanap ko kay Alex Gonzaga. At kung totoo na hindi nangyari, mas mabuti, dahil at least na clear niya. Pero sabi ng source ko, kaya niyang humarap kay Alex. So be it,” post ni Nay Lolit na dinadagsa ng fans ni Alex.

Yup, as in panay ang bash nila sa digital talk show host at columnist ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Kung nakalusot dito si Alex palalabasin niyang hindi totoo ang bintang sa kanya? At gagawin niyang liar ang source ni Nay Lolit?

Kahapon ay nakita sa office ni Madam Charo Santos si Alex.

So ni-lecturan kaya siya o may malaking project para sa kanya?

Mas kilala na ngayong vlogger ang kapatid ni Toni Gonzaga kesa sa pagiging actress.

Anyway, ang One of the Baes ay nakatutok ang kuwento sa up and downs ng Filipino seafarers na magsisimulang mapanood sa Monday, September 30.

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with