^

Pang Movies

Alex pinaniniwalaang kayang magmaldita at mangdedma!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alex pinaniniwalaang kayang magmaldita at mangdedma!
Alex

Successful pala ang premiere night ng Kiko En Lala sa SM Megamall Cinema 2 noong Martes dahil sa rami ng mga tao na dumalo para suportahan ang launching movie ni Super Tekla.

Kabilang daw sa mga invited guest sina Ken Chan at Rita Daniela na pinagkaguluhan at inusisa ng mga reporter tungkol sa diumano’y pangdededma sa kanila ni Alex Gonzaga nang magkita-kita sila sa airport.

Nagpaliwanag naman daw sina Ken at Rita pero ramdam na ramdam ng mga reporter na edited ang kuwento ng dalawa.

Feel na feel ng mga reporter sa reaksyon at body language ni Rita na may itinatago ito para hindi na ma-nega nang todo si Alex na unang nag-deny at nagsabi na kinamayan at nag-hi siya sa lead stars ng One of the Baes.

Pero gaya nga nang sinabi ko sa aking column sa PSN (Pilipino Star NGAYON), sumusumpa ang source ko na totoo ang nangyari dahil nasaksihan niya at willing siya na humarap kay Alex na madalas na nasasangkot sa mga ganoong klase ng isyu.

Dahil halos pare-pareho ang kuwento, mas marami ang naniniwala na capable si Alex na mang­dedma at magmaldita.

Derrick at Clint may topless scene kay Tekla

Hindi lamang pampamilya ang Kiko En Tekla dahil panonoorin din ito ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community dahil kina Derrick Mo­nasterio at Kim Domingo ayon sa nakapanood na ng pelikula.

Ang sabi ng mga dumalo sa premiere night ng launching movie ni Super Tekla, mara­ming eksena sa Kiko En Lala na hubad si Derrick kaya malakas ang hiyawan ng audience.

Hindi lamang si Derrick ang pinaghubad dahil may topless scene din si Clint Bondad na may special participation sa pelikula. Tulad ng eksena ni Derrick, matindi rin ang reaksyon ng manonood sa eksena nina AiAi Delas Alas at Clint dahil hubad nga ito.

Naloka at natawa rin daw ang mga nanood ng Kiko En Lala dahil machong-macho si Derrick pero gay lingo ang lahat ng mga dialogue niya.

Na-insecure ang mga vaklush kay Derrick dahil ang husay-husay raw nito sa pagsasalita ng gay language.

Wala naman daw sexy scenes si Kim sa Kiko En Lala dahil nag-goodbye na siya sa kanyang sexy image pero umaapaw pa rin ang sex appeal niya. Si Kim ang gumanap na girlfriend ni Kiko na isa sa mga karakter na ginampanan ni Super Tekla sa launching movie nito na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Naiwang alaga ni Darwin, nagluluksa rin

Parang gusto ko na pumunta sa Cagayan at yakapin ang dog na si Brando. I feel so sad nang makita ko siya sa tabi ng coffin ni Darwin Dormitorio.

Si Brando ang pet dog ni Darwin, ang PMA student na namatay sa hazing. Tulad ng tao, sure ako na sad na sad si Brando sa pagkawala ni Darwin, ang protector at tagapag-alaga niya.

Sigurado rin ako na parang isang tao at a loss na nagtatanong si Brandon kung bakit kailangan mangyari ‘yon?

Heartbreaking sight habang nakatingin si Brando sa kabaong ni Darwin. Siguro, itinatanong din niya sa sarili kung bakit siya iniwan, what will happen to him at who will take care of him?

Don’t worry Brando, Darwin will look over you from heaven. Hindi ka pababayaan ng family niya dahil alam nila na  mahal ka ni Darwin at mahal mo siya.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with