^

Pang Movies

Direk Cathy malabong maka-retire!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Direk Cathy malabong maka-retire!
Cathy Garcia-Molina

May gagawing pelikula si Direk Cathy Garcia-Molina, pero sa pagkakataong ito ang kanyang magiging stars ay sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ang tanong, maulit kaya ni direk ang pagiging hit ng dalawa niyang magkasunod na pelikula?

Magandang move iyang bigyan siya ng ibang artista naman. May iba rin namang stars ang kanilang kumpanya na kailangang bigyan ng kagaya ring break. Isa pa, kung mauulit nila ang ganoon kalaking hit, o hindi man maulit ay maging isang malaking hit din naman na hindi malayo sa kinita ng mas naunang dalawa, ibig sabihin mas titibay pa ang standings ng kumpanya, dahil hindi lang isa, kung hindi mapapatunayang may iba pa silang stars na maaaring kumita nang ganoon.

Kung mauulit nila ang ganoong box-office record, masasabi ngang ang kanilang kumpanya ang may kakayahan ngayong gumawa ng bagong superstars.

Ang ganyang pagkilala ay dadalhin din ni Cathy Garcia-Molina at sa palagay namin ipilit man niya, hindi matutuloy ang kanyang pagreretiro.

Kung hindi naman aabot sa ganoon ang kita, lalabas na si Kathryn Bernardo talaga ang star. Kung ano man ang dahilan at umabot siya sa ganoong kategorya, aba eh walang nakakaalam pero siya na ang star ng panahong ito. Isipin ninyo, ang pelikula niya mas malaki pa ang kinita kaysa sa isang festival na may sampung pelikula.

Dito na ngayon tayo maaaring magsalita. Si Kathryn ba ay nalikha lamang sa pamamagitan ng isang star system, o talagang siya ang star na nagpapalawig lang sa sistema?

Siyempre hamon iyan sa fans ni Kathryn. Sasabihin nila walang makakapantay sa kanilang idolo. Pero papaano kung mapantayan nga?

Ibang teleserye mas maganda pa ang kuwento kesa sa pelikula

Ang KathNiel, gagawa naman pala ng isang serye sa telebisyon. Ang akala namin, irereserba na nila ang loveteam nila para sa mga pelikula, pero hindi pala. Isasabak pa rin sila sa telebisyon. Kasi ang talaga namang negosyo niyang ABS-CBN ay telebisyon, ang pelikula singit lang.

Pero kung mas magiging matimbang siguro sa kanila ang pagtulong na ibangon ang industriya ng pelikula, at gusto rin nilang pahabain ang supremacy ng kanilang mga artista, irereserba na nila ang popularidad ng mga iyon para sa pelikula. Pero hindi nga pala puwede dahil ang talagang negosyo nila ay telebisyon.

Actually ang mga teleserye, katulong iyan sa pagpatay ng pelikula. Bakit nga ba hindi mo sasabihing ganoon eh mas sikat ang mga artista sa serye kaysa sa pelikula. Kadalasan mas magaganda pa ang kuwento ng mga serye kaysa sa pelikula.

Aktor sustentado na, wala nang care sa trabaho

Kaya pala mapili sa kanyang tinatanggap na trabaho ang isang baguhang male star ay dahil hindi naman daw niya kailangan ng trabaho talaga. May nagsusustento sa kanya, na ang laging sinasabi kung hindi niya gusto ang project, tanggihan na lang niya at bibigyan na lang siya ng pera.

Isipin mo nga naman, nakakabili siya ng bagong kotse, isang magandang motorsiklo, isang magandang bahay kahit na hindi niya kailangang magtrabaho dahil bigay iyon ng nagsusustento sa kanya, bakit pa nga ba siya maghahabol ng mga proyekto kung hindi naman niya gusto?

Bakit pa nga ba naman magpapagod?

vuukle comment

CATHY GARCIA-MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with