^

Pang Movies

Janine sa Paris naman rarampa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Janine sa Paris naman rarampa!
Janine Gutierrez

Ang rumampa sa iba’t ibang bansa for fashion week ang goal ngayon ni Janine Gutierrez.

After mapansin ang ganda niya sa nakaraang New York Fashion Week, sa nalalapit na Paris Fashion Week naman ang next na punta ng Kapuso actress.

Ang global cosmetics brand na L’Oreal Paris ang nag-invite kay Janine to experience Paris Fashion Week.

Excited na nga si Janine sa pagkakataon niyang ipakita ang personal style niya sa Paris.

Puno raw ang schedule ni Janine sa panonood ng iba’t ibang fashion shows sa Paris.

Nasa Paris siya mula September 26 to 29. Hindi naman siguro siya mami-miss masyado ni Rayver Cruz dahil busy rin ito sa sunud-sunod na shows sa GMA-7.

Mga ninong at ninang sa kasal nina Aicelle at Mark nililihim pa

Marami na ang nag-aabang sa magiging wedding nila Aicelle Santos at Mark Zambrano.

Nagbigay ng konting clue si Aicelle tungkol sa special day na ito.“End of this year, definitely, and it’s a wedding destination,” ngiti pa ni Aicelle.

Kasama sa principal sponsors ng Santos-Zambrano nuptial ay ang award-winning Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio. Yung iba raw na ninong at ninang nila ay sinisekreto pa nila Aicelle at Mark.

Na-engage noong March 2018 sina Aicelle at Mark. Naganap ito bago lumipad si Aicelle for London dahil one year siyang gaganap bilang Gigi sa UK tour ng Miss Saigon.

Parehong dumaan sa heartbreak sina Mark at Aicelle, kaya matagal din silang hindi nakipag-date hanggang sa matagpuan nila ang isa’t isa.

Kasal ni Jennifer Lawrence may online registry na

Pagkatapos na makita sa marriage bureau ng New York City ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence kasama ang fiance na si Cooke Ma­roney, tuloy na tuloy na nga ang wedding nila at kailan lang ay pinakita na nila ang napili nila sa online wedding registry ng Amazon.

Kasama sa napili nila Jennifer at Cooke sa kanilang registry ay ang Riedel martini glasses, a Swissmar copper fondue set and a Sagaform wine carafe dahil hilig daw nilang mag-host ng dinner parties.

At dahil mahilig din silang mag-travel, sinama nila sa registry ang Kindle Paperwhite, a Pendleton cosmetic case and a Jet&Bo cashmere travel set.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with