^

Pang Movies

Kim at Super Tekla may salpukan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kim at Super Tekla may salpukan
Kim, Super Tekla

Ano kaya ang magiging kapalaran sa takilya ng dalawang comedy movie na magbubukas ngayon sa mga sinehan, ‘yung Viva movie starring Kim Molina at ‘yung kay Super Tekla?

Ano kaya ang mas aariba sa takilya?

Sana naman magpakitang-gilas sa takilya ang dalawang comedy movie, huh!

May mga sinehan pa rin ang Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables at marami pa rin akong mga naririnig na gustong panoorin ang pelikula na naging top grosser sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

‘Yun na!

Lara at Marco hatid-sundo ang anak sa school

Si Miss International 2005 Lara Quigaman at ang mister na si Marco Alcaraz, pati ang panganay na anak nilang lalaki sa isang coffee shop kahapon sa Ayala Town Center.

Mukhang sinundo ng mag-asawa sa school ang anak dahil naka-school uniform pa ito.

Nilapitan at binati ako ni Marco nang makita niya ako.

Sharon ayaw nang umasa sa pelikula nila ni Gabby

Mukhang hindi matutupad ang sinabi ni Kris Aquino na willing siya na i-produce ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Marami na kasi ang gustong i-produce ‘yon.

Bati na nga sina Sharon at Gabby at bigla pa nga silang nag-duet sa isang event tungkol sa mga guro, pero ayaw pang pag-usapan ng Megastar kung posible nga bang matuloy na ang reunion movie nila ng ex-husband.

Sa ngayon, masaya na muna si Sharon na ok sila ni Gabby at positive na ang lahat.

Sa presscon ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid ay sinabi rin ni Sharon na hindi pa sila nagkakausap ng anak na si KC Concepcion kaya hindi pa niya alam kung ano ang reaction nito na ok na uli sila ng tatay ng panganay niyang anak.

Mukhang malabo nga pala na biglang i-guest si Gabby sa Iconic dahil mas magandang naka-sentro lang ‘yon sa Megastar at Asia’s Songbird!

vuukle comment

KIM MOLINA

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with