^

Pang Movies

Kim may laban ang akting

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kim may laban ang akting
Kim Molina

Commendable ang acting na ipinakita ng stage singer-actress na si Kim Molina sa kanyang launching movie under Viva Films, ang sexy-comedy film na Jowable  na siyang full-length directorial debut ng award-winning short film director na si Darryl Yap.

Huhusgahan sa araw na ito ng Miyerkules, September 25 ng moviegoing public ang Jowable na magbubukas sa mga sinehan nationwide.  Tampok din sa nasabing pelikula na hindi rin nagpatalo sa acting ni Kim sina Kakai Bautista, Cai Cortez at Candy Pangilinan. May special participation sa movie ang real life boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles.

Si Kim ay may dalawang tumatakbong teleserye ngayon. Ang hit afternoon TV series na Kadenang Ginto at ang magtatapos  next week-end, ang top-rating primetime teleserye na The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Ziggy malapit nang maging in demand na endorser

Wala na sigurong mahihiling pa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang buhay bilang mag-asawa na magli-limang taon na sa darating na December 30.  Meron na silang dalawang beautiful kids, ang four-year-old  daughter nilang si Zia at ang kanilang more than five months old son na si Ziggy.

Bukod sa kanilang mga itinayong negosyo, consistent ang pagiging in-demand endorsers nila including Zia. Hindi rin kami magtataka kung pati si Baby Ziggy ay susunod na rin sa pagiging endorser ng mga infant o baby products.

Last night...

Huling wake ngayong araw ng Miyerkules ng tatlong mga kilalang personalidad na magkakasunod na pumanaw nung nakaraang September 21 at 22 respectively, ang veteran writer-director na si Mel Chionglo at ang veteran print journalist na si Isah Red. Sina Direk Mel ay pumanaw nung Sabado at kinalingguhan naman  ay ang misis ng jazz singer-actor na si Richard Merk na si Roni Tapia-Merk na nagmula sa banking industry.

Si Direk Mel ay huling burol na sa Arlington Memorial Chapel in Araneta Avenue, Quezon City maging ni Isah sa  St. Rita of Cascia sa Philamlife Homes- QC habang si Roni sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.

Happy Birthday…

Belated happy birthday sa aming entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon (PSN) at Pang Masa (PM) na si Salve Asis. (Salamat po. - Salve)

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with