^

Pang Movies

Anniversary ng Child Haus, matagumpay

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Anniversary ng Child Haus, matagumpay
Mother Ricky Reyes

Very successful ang celebration ng 16th anniversary ng Child Haus, last week, September 15.

Ang saya, samu’t sari ang mga palabas, lalo na ang mga batang pasyente. At si Mother Ricky Reyes ang ina ng libu-libong pasyente na may mga sakit na Leukemia, Breast Cancer, Bone Cancer at iba pa.

Maraming special guest sa nasabing selebrasyon of course na punong-abala si Mother Ricky at ang buong staff niya. Hindi puwedeng mawala ang co-founder ni Mother Ricky na si Sir Hans Sy na magdaraos ng kanyang 64th birthday this week.

Dahil kay Sir Hans Sy kaya nagkaroon ng seven floors na building ang Child Haus.

Salamat sa PMPC na may ilang nakarating, sina Julie Bonifacio, Mhel Navarro, Ronald Rafrer, Rodel, Wally, Beth, Lhar Santiago ng GMA7, Basil, Benny, Vincent Genefa, Jojo Montelibano, JC Dela Cruz (GMA7) Linda Rapadas, Ricky F. Lo ( Phil. Star) Aster Amoyo (PM/Pilipino Star) at may mga iba pang humabol.

Salamat po at God bless us. Maganda ang ho­mily ng dalawang pari. Sayang dahil hindi nakadalo si Mayor Isko Moreno, the handsome Mayor of Maynila. Kung tutuusin, kayang-kaya naman niya dahil ang lapit ng Child Haus sa Manila City Hall, katapat lang ng PGH.

Sorry po pero si Mayor Pamintuan ng Angeles City ang nakarating. Hindi raw niya mai-ignore ang invitation ng Child Haus at ang pagsuporta sa makabuluhang project ni Mother Ricky Reyes. Ok na rin, salamat po Mayor Isko!

Maine at Alden ‘di nagbago ang samahan

Good friends pa rin sina Maine Mendoza at Alden Richards simula noong hindi pa sila kasikatan ang tunog ng pangalan at sinasabi na maalwan ang buhay ni Maine kaysa kay Alden.

Pero siyempre nagbabago ang panahon, biglang kumalabog ang pangalan ni Alden, nagkaroon ng iba’t ibang negosyo lalo na sa pagkain, restaurant then sandamakmak na endorsement ng iba’t ibang produkto, pelikula, TV shows, series at iba pa na nagbibigay sa kanya ng malaking income.

Si Maine naman, halos mabibilang lang ang mga show, lalo sa GMA 7 pero hindi nagbago ang tinginan nina Alden at Maine, kahit nali-link sila sa ibang girl at boy, best of friends pa rin sila! Ow! Totoo ‘yan, uh!

vuukle comment

RICKY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with