^

Pang Movies

Kapamilya Stars, nagpasaya sa Gensan Tuna Fest

Pang-masa
Kapamilya Stars, nagpasaya sa Gensan Tuna Fest
Ronnie Alonte at Loisa Andalio

MANILA, Philippines — Naglaan ng oras ang mga bituin mula sa hit seryeng The General’s Daughter para makipag-bonding kasama ang mga Kapamilya sa General Santos sa taunang Tuna Festival ng siyudad.

Nagpatili sa higit 2,000 Kapamilya sa KCC Mall Events Center ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang naghatid naman ng saya ang gwapong tandem nina Arjo Atayde at JC De Vera sa kanilang inihandog na harana.

Umapaw din ang kilig sa GenSan dahil sa nakakaakit na performance ni Kapamilya heartthrob Paulo Avelino. Kahit hindi nakadalo sa Kapamilya Karavan ang bida ng The General’s Daughter na si Angel Locsin dahil sa isang karamdaman, nagalak pa rin ang mga Kapamilya sa GenSan dahil tumawag ang aktres sa kasagsagan ng programa at nangakong bibista sa Tuna Capital ng bansa.

Bukod dito, naaliw din ang mga Kapamilya dahil sa mga inihandang palaro at naging masigla rin ang selebrasyon dahil sa bibong hosts ng ABS-CBN Magandang Umaga South Central Mindanao na sina Dyll at Joey C, at ang MOR DJs na sina Justine at Betina.

Samantala, hindi nagtatapos sa GenSan ang paghahatid ng saya at pag-ibig dahil biyaheng Naga City naman ang Kapamilya Karavan para sa Peñafrancia Festival kasama ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Inabangan din sina Coco Martin, Yassi Pressman, Basilyo, Smuglazz, PJ Endrinal, at Empoy sa Setyembre 28, 4 pm sa SM Naga City open parking area, o kaya ay panoorin ang programa sa livestreaming sa Choose Philippines YouTube channel.

Samantala, napanood din ang pinakamalalaking kaganapan sa Peñafrancia Festival sa telebisyon sa ABS-CBN Naga, kabilang ang Regional Military Parade noong Biyernes (Setyembre 20) . Ipinalabas din ang Fluvial Procession noong Sabado (Setyembre 21), na may livestreaming din sa Choose Philippines YouTube channel.

Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon. Ang ABS-CBN Regional ang sangay ng Kapamilya network na gumagawa o umeere ng mga lokal na programa na naghahatid ng impormasyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila. Maliban sa pagbibigay ng importanteng balita at kaalaman, naghahatid rin ito ng serbisyo publiko sa mga Kapamilya sa mga lugar nito.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with