^

Pang Movies

Tony ibang level ang professionalism ngayon

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tony ibang level ang professionalism ngayon

Nakahabol si Tony Labrusca sa grand mediacon ng Regal movie na Ang Henerasyong Sumuko sa Love kahapon sa Valencia Events Place matapos makakuha ng flight pabalik ng Manila.

Galing sa Seoul, South Korea si Tony. Maayos namang lahat ang flight niya pabalik na may stop over sa Hong Kong. ‘Yun nga lang, nagkaroon ng bagyo sa Korea.

‘Yung original flight schedule niya eh na-delay kaya apektado lahat ang appointments niya. So binalak ng Regal na i-move ng September 24 ang presscon.

Pero kailangan ayusin ang catering at kailangan pa sa presscon pati schedules ng ibang cast. Para hindi na magulo ang maayos nang schedules, ginawan ng pa­raan para makakuha ng ibang tickets si Tony from Korea to Hong Kong to Manila para makara­ting siya ng 12NN presscon.

And yes, dumating on time si Tony para sa presscon kahit pagod sa biyahe and after ng presscon, pahinga lang siya ng ilang oras para makapunta sa 6PM shooting niya!

Ganyan ang ipinakitang professionalism ni Tony ngayon, huh!

May something in common Ken at ArjO nag-swak agad nang magkita

Nagkita, nagbatian at gumawa pa ng video sina Ken Chan at Arjo Atayde na magkasama sa isang event. Nagtataka siyempre ang ibang netizens sa pagiging malapit agad ng dalawa kahit magkaiba sila ng network.

Pero may one thing in common sina Ken at Arjo kaya hit agad ang pagkikita nila. Kapwa sila gumanap sa character na may autism. Si Ken sa My Special Tatay at si Arjo sa The General’s Daughter.

Sa kanyang Instagram, saad ni Ken, na-miss niyo ba si Boyet at Elai? Sa wakas nagkita na sila.

“Isang karangalan ang isa­buhay ang kuwento ng isang taong may Autism. Masaya kami ni @arjoatayde at naging bahagi kami kahit papano ng kanilang buhay.

“Huwag nating kalimutan na ang tanging kailangan nila ay pagmamahal,” caption ni Ken.

Nagbigay rin ng pahayag si Arjo sa IG ng pagkikita nila ng Kapuso actor.

“Much freakin respect Ken! Hello from Elai and Boyet! We miss you! THANK YOU,” bahagi ng caption ni Arjo.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with