^

Pang Movies

Juday first time makapasok sa International Film Festival

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Juday first time makapasok sa International Film Festival
Judy Ann Santos

Marami na ang nag-aabang ngayon pa lang sa mangyayaring tapatan nina Alden Richards at Judy Ann Santos sa primetime.

Kung ang The Gift ni Alden ay kasaluku­yan nang umeere, ang Starla naman ni Juday ay malapit pa lang na ipalabas. Bida-kontrabida raw ang kanyang role rito. Balitang ito ang ipapalit sa The General’s Daughter ni Angel Locsin na malapit nang magtapos.

Sabi ng isang kafatid namin sa panulat ay mukhang mahihirapan ang Kapuso actor sa magiging labanan nila ni Juday. Ito kasi ang magsisilbing comeback ng huli, kaya tiyak na maraming fans niya ang tututok sa kanya.

Samantala, mabuti na lamang at maaga si Juday na nakapag-taping ng Starla, dahil bukod dito ay abala rin siya sa pelikula niya kay Direk Brillante Mendoza na Mindanaw. Balitang kasali raw ito sa 24th Busan Film Festival.

First time ni Juday na makasama ang movie niya sa isang international film festival, kaya naman feeling niya ay blessed na blessed siya.

Contestant sa TNT nag-back out dahil sa bashers!

Nakakahinayang naman na nag-back out si Mariku Ledesma na isang contestant sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, dahil lamang sa mga batikos sa kanya ng netizens. Sinayang lamang niya ang napakahabang panahon na hinintay niya para makasama sa grand finals na inabot ng siyam-siyam para lang makahanap ng resbaker na magiging grand finalist.

Hindi man ganun ka-impressive ang boses niya at totoong marami ang mas magaling kumanta sa kanya, pero novelty naman siya na siyang dahilan sana para magpasok sa kanya sa grand finals. Sayang naman!

Vice at Ion hindi na kayang magtago

Kahit anong pagtatago ang gawin nina Vice Ganda at Ion Perez ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay nilang nadarama at relasyon. Sa kanilang mga bibig at reaksyon pa lang mismo ay hindi mo maikakaila. Gaya na lang nung maiyak sila nang magsabihan sila ng “I love you” sa isa’t isa.

Naguguluhan ang fans sa tunay nilang estado. Noong nakaraan lang kasi ay todo deny si Ion sa kanila ni Vice, sabi nito, sila ay magkaibigan lamang.

Siguro ay iwasan na lang nila ang pagde-deny dahil obvious naman, pero kung gusto pa rin nilang itago, dapat ay huwag na silang magharutang dalawa, lalo na on air.

Wildflower ni Maja may nominasyon agad

Kasalukuyan pang ipinalalabas ang Wildflower ni Maja Salvador sa ilang bansa sa Asya pero,  agad na itong nabigyan  ng nominasyon sa Asia Contents Awards.

Magandang incentive ito para mas pagandahin pa natin  ang  mga ginagawa nating teleserye. May market ito sa Asia at ilang bahagi  ng Amerika.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with