^

Pang Movies

Mariel inilantad ang pagiging Captain ni Robin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mariel inilantad ang pagiging Captain ni Robin!

Captain pala ang ranggo ni Robin Padilla sa pagiging reservist sa Philippine Army dahil ‘yun ang itinawag sa kanya ng asawang si Mariel Rodriguez nang i-post ni Mariel ang photo ni Robin na naka-uniform. Sa tanong kung para sa movie ang photo ni Robin, “no, not for a movie” ang sagot ni Mariel.

May post din si Robin ng naka-uniform siya, hindi nga lang ipinakita ang kanyang mukha. May mahabang caption si Robin sa kanyang pinost at marami ang nag-congratulate sa kanya at ang comment ni Mariel ay “Salute!!!”

In fairness, bagay kay Robin ang maging sundalo, ang tikas niyang tingnan na naka-uniform lalo na at slim at walang beer belly.

Ahron lumundag na sa Kapuso!

Malapit na raw ang airing ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Madrasta na kung hindi kami nagkakamali, ipapalit sa Dahil sa Pag-ibig ‘pag nagtapos. Pang-primetime ang cast ng Madrasta dahil narito si Manilyn Reynes at may Gladys Reyes pa at nakita pa namin si Almira Muhlach.

Launching project ito ni Arra San Agustin at kasama niyang bida si Thea Tolentino na kilala ang husay sa pag-arte mapabida at mapa-kontrabida.

Kasama sa mga bagong talents ng GMAAC na nasa cast ng Madrasta na Kapuso na pala, hindi namalayan ng kanyang fans at nagulat na lang nang makita sa socmed na nag-guest si Ahron Villena sa Kapuso Artist Tambayan at ipinakilalang Kapuso artist na.

At least, wala kaming nabasang violent reaction, gaya nang i-a-unfollow siya ng kanyang fans sa Instagram (IG) dahil wala na siya sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

Hopefully, kasama sa presscon ng Madrasta si Ahron para matanong natin kung bakit ginustong iwan ang maging Kapamilya at piliing maging Kapuso star.

Gary suportado ang concert ng The Clash judges

‘Katuwa naman na ni-like ni Gary Valenciano ang post ni Christian Bautista tungkol sa concert nila ng kapwa The Clash judges na sina AiAi delas Alas at Lani Misalucha.

Sa October 19, ang All 4 You: The Clash Concert na gagawin sa Arcadia Performing Arts Theater sa Los Angeles, California. Kaya All 4 You ang concert dahil kasama nila si Golden Cañedo, grand champion ng The Clash 1.

Anyway, this Saturday na, after Pepito Mana­loto ang pilot ng The Clash 2 kung saan, isa si Christian sa The Clash Panel at mapapanood with his new hairstyle na sabi ng mga kasama nito sa Studio 7, para siyang K-pop member.

“All-around performer. Hindi kailangan kang maganda, gwapo, kailangan talaga sa pag-perform mo, mahuli kaming lahat. Dapat may puso kapag kumanta,” sabi sa hinahanap nilang mananalo.

Si Louie Ignacio ang director ng The Clash 2 with Julie Anne San Jose and Rayver Cruz as the new Clash Masters and Ken Chan and Rita Daniela as Journey Hosts.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with