^

Pang Movies

Magaganda at guwapong mga Korean hindi basta-basta nagpapakita

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Grabe ang Korean bug na tumama sa mga Pilipino, Salve. Very alarming na talaga ang pagpila ng hindi na mga bata dahil sa kagustuhan na magkaroon ng VIP tickets para sa meet-and-greet ni Park Seo Joon sa September 29.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sampung beses na akong pabalik-balik sa South Korea. Libot kami nang libot kung saan-saan pero wala naman akong nakita na mga lalaki na kasing-pogi nina Jo In-sung at Nam Joo-hyuk.

Kahit sa mga female Korean, wala akong nakita na kasingganda nina Dr. Kang (Song Hye-kyo) at ng lead actress sa Last Empress (Jang Na-ra).

Noong panahon na pumupunta kami ni Inday Badiday sa South Korea, hindi ko rin nakita ang mga makalaglag panty na men.

Kaya nagtataka ako dahil hindi naman pala ganun karami ang mga cute, pogi , pretty at beautiful sa Korea.

Hindi kagaya ng mga puti na kapag naglakad ka sa mga kalye sa Amerika, matutulala ka sa mga Amerikano na naglalakad na parang mga Barbie doll ang hitsura.

Sa South Africa naman, may feeling ka na nagkalat ang mga Spanish doll dahil magaganda at mga guwapo ang mga tao.

Sa Korea, true na fashionable ang mga bagets na naglalakad sa kalsada pero hindi naman sila kamukha ng mga Korean star na kinababaliwan natin. Ano ‘yon, itinatago sa Korea ang mga magaganda at pogi?

Naku ha, basta bawasan na natin ang pagkabaliw sa mga Korean celebrity dahil kawawa ang local performers natin na talung-talo sa Korean bug.

Life story ng final 4 ng Starstruck Season 7 ipapalabas sa Magpakailanman

Matutuwa ang fans ng Final 4 ng Starstruck Season 7 dahil isasadula ng Magpakailanman ang life story nila.

Sina Kim de Leon at Shayne Sava ang Ultimate Male and Female Survivors, respectively, ng Starstruck Season 7 pero hindi lamang ang kuwento ng buhay nila ang matutunghayan sa drama anthology ni Mel Tiangco dahil kasama rin ang istorya ng showbiz journey nina Allen Ansay at Lexi Gonzales.

Apo ni Dolphy suki na sa mga singing contest

Kasali pala sa The Clash Season 2 ang apo ni Mang Dolphy na si Rowell Quizon.

Kilalang-kilala na si Rowell ng televiewers dahil lahat na yata ng mga singing contest sa TV, sinalihan niya.

Sa totoo lang, marami ang bilib kay Rowell dahil hindi ito nawawalan ng pag-asa na balang-araw, dara­ting sa kanya ang pinakahihintay niya na big break sa singing.

Talagang seryoso si Rowell sa pangarap nito na makilala bilang professional singer na mailap pa rin sa kanya.

Sana nga, matupad sa Season 2 ng The Clash ang ambisyon ni Rowell na never na sumuko sa mga pagsubok.

Hindi naman maiiwasan na mabanggit si Mang Dolphy sa mga contest na sinasalihan ni Rowell dahil kapag naririnig ng mga host ang kanyang family name, ‘kaano-ano mo si Mang Dolphy?” ang unang tanong sa kanya.

Abangan na lang natin ang pilot episode ng The Clash na mapapanood ngayong gabi sa GMA-7.

vuukle comment

PARK SEO JOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with