^

Pang Movies

Rap artist na si Loonie matagal minanmanan bago nasabat sa buy-bust!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rap artist na si Loonie matagal minanmanan bago nasabat sa buy-bust!
Loonie

Nahuli ang kilalang Fliptop rapper at nagpasikat ng rap song na Tao Lang na si Loonie (Marlon Peroramas sa tunay na buhay) sa isang buy-bust operation ng mga police sa isang hotel basement in Makati nung gabi ng Miyerkules, September 18.

Si Loonie na kasama sa award-winning 2017 Cinemalaya movie na Respeto ay kasamang natiklo ng mga operatiba kasama ang kanyang kapatid na babae, road manager, driver at isa pang kasama matapos silang mahulihan ng 15 sachet ng hinihinalang high grade marijuana, mobile phones, malaking halaga ng pera.

Ang limang nahuli ay kinasuhan ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  or Republic Act No. 9165.

Ayon sa mga pulis, matagal umanong minamanmanan si Loonie at ang kanyang mga kasama ng mga operatiba hanggang isagawa ang buy-bust operation nitong Miyerkules ng gabi.

Dahil sa pagkakahuli kay Loonie at ng kanyang mga kasama, sira na ang kanyang career bilang isang kilalang rap artist.

Claudine at Piolo, 15 years ang hinintay bago nagkasama

Tuloy na tuloy na umano ang balik-tambalan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto sa bakuran ng Star Cinema na nakatakdang idirek ni Cathy Garcia-Molina na kagagaling pa lamang sa kanyang box office record-breaking movie na Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang balik-tambalan nina Piolo at Claudine ay isa sa dalawang last two movies na ididirek ni Direk Cathy bago ito mag-retiro pansamantala sa pagdidirek.

Taong 2004 nang una’t huling magtambal sina Piolo at Claudine sa hit movie na  Milan na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema. It took them 15 years bago muli silang magkatambal in a much-awaited movie na wala pang titulo.

Ang pagbabalik-Kapamilya ni Claudine ay magiging senyales ng kanyang pagiging aktibong muli sa kanyang career na matagal-tagal ding napahinga.

Balita namin ay magkakaroon din umano si Claudine ng isang TV series.

Maganda siguro kung pagsasamahin sa isang TV o movie project ang magtiyahing Claudine at Julia Barretto.

Nauna nang naging Kapamilya ang estrange husband ni Claudine na si Raymart Santiago na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano and soon sa Starla na pangungunahan ni Judy Ann Santos.

Empoy at Alonzo sali sa Pedro…

Binanggit sa amin ng big boss ng Viva Communications, Inc. na si Boss Vic del Rosario na tuluy na tuloy na umano ang pagsisimula ng shooting ng bagong version ng Pedro Penduko na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli.  Ito’y tatampukan din nina Empoy Marquez at Alonzo Muhlach at iba pa mula sa direksiyon ni Jason Laxamana na kagagaling lamang sa hit movie niyang Just A Stranger na pinagbidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Originally, si Treb Monteras dapat ang magdidirek ng bagong Pedro Penduko nung si James Reid pa ang nasa title role. Pero umatras ang huli sa naturang proyekto at kumalas na rin ito sa pamamahala ng Viva Artists Agency (VAA) na siyang sumalo at sumugal kay James matapos walang mangyari sa kanyang career after he won sa Pinoy Big Brother in 2010.

Boss Vic won’t divulge to us kung ano ang dahilan ng pag-alis ni James sa poder ng Viva. Pero nasa bakuran pa rin ng Viva ang nobya ni James na si Nadine Lustre.

Sofia wish marinig sa teleserye ang new single

Naka-out na ang bagong single ni Sofia Romualdez na pinamagatang Wala Na under Viva Records.

Excited ang panganay ni Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez at ng mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez sa kanyang bagong single lalo pa’t maganda ang feedback sa mga nakarinig na nito.

Umaasa rin si Sofia na sana’y gamitin itong theme song na Wala Na in one of the movies ng Viva.

Si Sofia ay panganay sa dalawang anak nina Mayor Alfred at Kring-Kring Romualdez at ang bunso ay si Diana.

Samantala, ngayong wala na sa pulitika si Kring-Kring, open itong magbalik-showbiz kung may magagandang role na iaalok sa kanya.

vuukle comment

LOONIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with