Moira, Ogie, Aicelle at iba pa magsasama-sama sa worship concert
Ang CBN Asia na producer ng The 700 Club Asia at Superbook ay nagdiriwang ng kanilang 25th anniversary at magkakaroon sila ng selebrasyon sa pamamagitan ng isang worship concert na pinamagatang All for the ONE na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Oct. 1, 2019.
Pagsasamahin sa concert sa isang gabi ng selebrasyon ang mga country’s top performing artists gaya nina Dulce, Ogie Alcasid, Christian Bautista, RJ dela Fuentes, Moira dela Torre, Pavino, Aicelle Santos, Erik Santos, Gerald Santos, Superbook hosts, Playshop Kids, Upper Room Worship, Gary Valenciano at Janina Vela.
Natuwa ang fans na pumayag ang mga nasabing artists na mapanood sa kakaibang pa-concert ng Superbook.
Kilala sa paninindigan sina Gary, Dulce, at ngayon ay kasama sina Ogie, Moira, at ibang nabanggit sa kanilang Christian faith na ngayon ay sanib-puwersa para sa All for the ONE na isang gabi ng worship ng mga gifted artists na magbibigay ng kanilang oras.
Sa mga gustong bumili ng tickets, puwede sa CBN Asia sa pamamagitan ng www.allfortheone.cbnasia.org o ML Kwarta Padala with the corresponding amounts: P1,000 for Patron, P700 for Lower Box, P500 for Upper Box, and P200 for General Admission.
Maaari ring mag-donate sa pamamagitan ng the CBN Asia office, Operation Blessing Foundation Philippines main office, Philippine Christian Book Stores (CCF Center, EDSA, Fairview, Farmers, Makati-Bethany, Masagana and Monumento branches), Philippine Bible Society in UN Avenue, House of Praise in Panay Avenue, Becca Music in Ortigas Center, Cornerstone: Books and Scriptures, and Throne of Wisdom Christian Academy in Binangonan.
- Latest