^

Pang Movies

Mga magulang mas dapat gabayan sa panonood ang mga anak

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakaka-alarma para sa mga batang manonood ang ilang mga seryeng ipinalalabas ngayon sa telebisyon na kung saan may mga brutal na eksenang makikita.

Hindi magandang example ito para sa kanila. Maaa­ring tumatak ito sa isipan nila at baka maisipan pa nilang gawin.

Puro sampalan, murahan at patayan.

Nangangahulugan lang ito na kailangang mas gabayan pa ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood ng mga maseselang palabas. Dapat nilang ipaintindi na lahat ng nakikita nila sa TV ay hindi totoo at puro kathang isip lamang ng tao.

Nova pinakain ng paksiw na Arowana si Divina?!

May nakakatawang kuwento ang batikang aktres na si Divina Valencia. Dahil siya ay balik-bayan, inimbita siya ng kaibigang si Nova Villa na mag-dinner sa bahay nito. Paborito raw ni Divina ang isda kaya nagpaluto ng paksiw si Nova sa katulong.

Sarap na sarap sila sa pagkain dahil paksiw na isda nga ang inihain ng maid, maya-maya itinanong ni Divina kung ano bang isda ang iniluto at magpapabili siya sa kanyang maid.

Kamuntik nang mahulog sa upuan si Divi at Nova noong malamang Arowana na isda raw pala ang niluto dahil wala raw isdang mabili sa market.

Niluto na lang daw ng katulong nung kamamatay lang at galing pa sa kanilang aquarium. Maloka-loka raw si Divina at Nova sa tindi ng galit sa katulong.

Well, sila lang ang nakakaalam kung totoo ngang nangyari ito.

Bayan ng Baliwag malaki na ang ipinagbago

Dinumog ng maraming tagahanga ang sikat na bandang December Avenue nang mag-concert ito sa Baliwag, Bulacan.

Punung-puno ng tao ang Glorietta Park, at dahil dun, masayang-masaya si Baliwag Mayor Ferdie Estrella dahil napaligaya niya ang kanyang mga kababayan.

Kaarawan kasi ni Mayor Ferdie, at bukod sa pa-banda niya, may Baliwag Got Talent contest pa.

Maluwag na ang mga kalye sa Baliwag dahil wala nang mga vendor na nakakalat.

vuukle comment

DIVINA VALENCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with