^

Pang Movies

Sharon bibida sa Pinoy adaptation ng Korean movie!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sharon bibida sa Pinoy adaptation ng Korean movie!

Kasado na ang gagawing pelikula ni Sharon Cuneta sa Viva Films. Sa nakuha naming impormasyon, gagawin ni Shawie ang Pinoy adaptation ng Korean movie na Sunny.

Ang Korean movie ay lumabas nung 2011 at isa itong drama comedy ayon sa Google.

Tungkol ito sa kuwento ng pitong magkakaibigang babae nu’ng high school at isa sa kanila ay malapit nang mamamatay. Ang last wish niya ay makita ang lahat ng kaibigan sa huling pagkakataon.

Magsisilbing homecoming movie ng megastar sa Viva ang pelikula. Huli siyang napanood sa horror film na Kuwaresma under Reality Entertainment ang Globe Studios mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Super Tekla nahirapan magpaka-lalaki sa Kiko En Lala

Inayos ang playdate, pinagbuti ang effects kaya nausog nang nausog ang playdate ng pelikulang Kiko En Lala ni Super Tekla mula sa Backyard Productions na affiliate ng GMA Pictures.

“Pati rin kasi sa booking. Kung may bago kang playdate, kailangang mag-defer ka yata ng two months kaya naghintay kami ng unang playdate,” rason ni direk Adolf Alix, Jr. sa mediacon ng movie.

May kinalaman ba ‘yung tsismis na nahirapan daw siyang paartehin ang bidang si Super Tekla?

“Hindi po!” bulalas ng director. “Actually, hindi naman ako nahirapan. Ang sabi ko nga sa kanya  nung nag-uumpisa siya, kung may tanong siya.

“Siyempre dahil bago siya, inaalam niya kung paano gawin ‘yung role. Masaya lang kasi kami sa shooting. Nahirapan lang siya sa character niya bilang Kiko sa lalaki na part.

“Ini-explain ko naman sa kanya. Inuulit-ulit namin kasi pelikula. Saka comedy po pero pag nakikita naming nagtatawanan na ‘yung mga tao, staff, sabi ko parang may audience na siya!” dagdag pa ni direk Adolf.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with