^

Pang Movies

Isabelle ‘di nagka-interes sa beauty pageants

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Isabelle �di nagka-interes sa beauty pageants

Ang gown daw na isinuot ni Isabelle Daza sa katatapos lang na ABS-CBN Ball 2019 ay ang mismong gown na isinuot ng kanyang inang si Miss Universe 1969, Gloria Diaz sa isang importanteng event noong 1994.

In fairness, walang nakapansin na luma na ang gown, as Isabelle wore it with pride and bravado. She has the looks of an ideal model as she is tall and slim.

Sayang nga at hindi naisip nitong si Isabelle na sumali sa mga beauty contest noong siya ay bata pa (She is 31 now). She could have been a beauty queen too like her mom, tulad na lang nina Melanie Marquez (Miss International 1979) at Michelle Dee (the newly crowned Miss World Philippines 2019).

At 31, Isabelle is busy both as an actress and a mother to her one-year-old son, Balthasar Gabriel Semblat.

Isabelle married her foreigner husband, Adrian Semblat in 2016. Isabelle’s Dad is restaurateur, Gabriel Daza.

Gloria at Ronaldo mukha pa ring pang-Miss Universe at leading man

Of Gloria Diaz, nang rumampa rin siya sa ABS-CBN Ball 2019, si Ronaldo Valdez ang kanyang kapareha. Si Ronaldo rin ang kapareha niya sa malapit nang magtapos na seryeng Los Bastardos.

Well at her age, (she was 18 nang manalo ng Miss Universe), poised and still a beauty pa rin siya to behold, sa totoo lang.

Si Ronaldo naman, kahit puting-puti na ang buhok ay still looks every inch a leading man pa rin.

Ronaldo and Gloria will attend today’s Mediacom, along with their co-stars in Los Bastardos na sina Jean Saburit, Jake Cuenca, Joseph Marco, Albie Casiño, Marco Gumabao, Joshua Colet, Kylie Versoza, Maxine Medina, Ritz Azul at Mica Javier.

Young JV may bagong prospect sa lovelife

Guess what has been keeping Kapamilya actor and hiphop artist Young JV Kapunan busy?

Except noong nakaraang ball, medyo matagal-tagal na ‘di siya naging visible sa small and big screen.

Marami nga ang nag-akalang he joined his Dad Eduardo ‘Red’ Kapunan in Myanmar, where the senior Kapunan is currently our country’s ambassador.

Dating military man ang tatay ni Young JV, at siya lang ang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, pero sa kanya-kanyang side ng nanay at tatay niya ay may mga kapatid siya, pero siya ang youngest sa kanilang lahat.

Well binanggit niyang he has been turning around the country, principally to promote the brands of Megasoft Hygienic Products, Inc.

Sa kasalukuyan, naka-focus daw si Young JV sa pagpo-promote ng Fasclean Extra Powder detergent with fabric conditioner na amoy Sampaguita at Lavender.

Mga estudyante ang tina-target ng produktong ito.

Samantala nang tanungin naman siya kung marunong ba siyang maglaba, ang sagot niya ay oo. Tinuruan daw siya ng tatay niyang isang disciplinarian.

Now back to work si Young JV, as he just released his latest single, Malandi Ka. He recorded the song sa kanyang bagong tatag na music label, ang Not So Famous.

May upcoming movie rin siya, isang action, ito ang Death Card na ipinrodyus ng CineBro.

Asked bout his current lovelife, Young JV said, may bago siyang prospect.

He just turned 29 last July.

Inigo gustong maambunan ng kasikatan ng ama

Kahit ina-admire ng sobra ni Inigo Pascual ang kanyang amang si Piolo Pascual, hindi lang daw ang pagiging magaling na aktor ang gusto niyang gayahin, gusto rin daw niya ang pagiging singer nito.

Wish din daw niya na kahit papaano ay maambunan pa rin siya ng kasikatan ng ama.

Sa ngayon, merong pelikula si Inigo kasama si Maris Racal, ang I’m Ellenya L na entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.

Anytime soon na rin ay ire-release na ang kanyang first single na kanyang ni-record in Singapore with Singaporean singer, Akasha, ito ay ang Adios na ire-release ng Star Records.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with