^

Pang Movies

Malayang-malaya na Matteo at Sarah biyaheng Bali sa anniversary

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Malayang-malaya na Matteo at Sarah biyaheng Bali sa anniversary

Nakuhanan ng picture ang real couple na sina Matteo Guidelli at Sarah Geronimo sa Terminal 2 ng NAIA ng isang netizen.

Sapantaha ng netizen, bumiyahe sina Sarah at Matt para i-celebrate ang kanilang anniversary. Sa pagtanung-tanong namin, sa Bali, Indonesia ang destinasyon daw ng dalawa.

Take note sa nakita naming litrato, wala kaming nakitang ibang kasama nila, huh! Siyempre, very unusual dahil nasanay na ang publiko na kasama ni SG sa lakad either ang nanay niya o tatay niya, huh!

Ibig lang sabihin, malayang-malaya na ang Pop Star Princess na lumakad nang wala na siyang kasama except of course, her boyfie, Matteo!

Management company pinagbayad ng DOLE

Nagreklamo pala ang isang empleyado ng kilalang management company sa Department of Labor. Ayon sa aming source, may hindi raw nare-remit ang kum­panya para sa benefit ng empleyado.

Eh nang hindi raw inasikaso ng kum­panya ang reklamo ng emple­yado, tumakbo na siya sa DOLE. Nagtagumpay naman ang empleyadong manalo sa reklamo niya.

Nagawaran ng cash benefits ang manggagawa at hanggang ngayon ay binabayaran ng kumpanya ang cash award kahit hulugan.

Edward gusto na ring karerin ang pagba-vlog

Inspirasyon ni Maymay Entrata si Alex Gonzaga kaya pinasok din niya ang vlogging. In fairness naman kay Maymay, lumabo agad sa libo ang subscribers niya nang unang sabak niya.

Sa tototo lang, si Alex umano ang pinakama­yamang vlogger na artista. Kahit wala siyang regular projects sa TV eh kumikita siya sa vlogs niya.

Dahil sa malakas na dating ng impact ng YT Channel ni Maymay, unti-unti nang nahihikayat ang ka-loveteam niyang si Edward Barbers na pasukin na rin ang vlogging huh!

vuukle comment

MATTEO GUIDELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with