^

Pang Movies

Fake royal title pala, Baron naudlot ang pagiging Datu!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fake royal title pala, Baron naudlot ang pagiging Datu!
Baron Geisler

Nakakaloka naman ‘yung fake pala ‘yung natanggap na appointment ni Baron Geisler para maging Datu at maging Ambassador or Peace and Prosperity sa Sulu and North Borneo.

Nag-release na ng official statement ang Sultanate of Sulu and North Borneo sa kanilang official account sa Facebook at inihayag ngang fake royal title ang ibinigay kay Baron.

“Please be informed that the recent issuance of a title to Philippine actor, Mr. Baron Geisler, was done by false pretenders who are not even recognized by the Philippine government.

“The Sultanate of Sulu and North Borneo urges the public not to be mislead,” ang pahayag ng The Royal House of Sulu sa kanilang Facebook page last Wednesday kalakip ng official statement.

Tuwang-tuwa pa naman si Baron nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang natanggap na appointment at abut-abot ang kanyang pasasalamat.

Wala pang reaksyon or pahayag si Baron tungkol sa bagong development na ito and for sure ay nawindang din siya.

Gabby umaming mami-miss si Jennylyn

Ngayong gabi (Friday) na ang finale episode ng Love You Two at sa YouTube vlog ng lead actor na si Gabby Concepcion ay nagpasilip siya kung ano ang magaganap sa pagtatapos nito.

Kinunan ni Gabby ang last taping day nila na isang malaking wedding scene so, alam na kung sino ang ikakasal.

Nakakatuwa si Gabby dahil mistulang vlogger talaga siya na ini-interview ang halos lahat ng cast and staff at tinanong kung ano ang masasabi ng mga ito sa pagtatapos ng serye. Inisa-isa niya ang co-stars na sina Shaira Diaz, Jerald Napoles, Nar Cabico, Sheena Halili, Kiray Celis, Freddie Webb, atbp.. Pati na ang direktor nilang si Irene Villamor ay hiningan niya ng pahayag.

Siyempre, kasama rin sa kanyang vlog ang leading lady niya na si Jennylyn Mercado na nagpasalamat kay Gabby at sa GMA-7 na nabigyan siya ng opportunity na makatrabaho ang aktor.

“Sobrang sarap mo katrabaho, magaan talaga, thank you, Kuya,” sey ni Jen kay Gabo.

Sagot naman ng aktor, “Thank you, Jen, nice working with you, I’m going to miss you, sobra!”

Eight months din silang nagkasama sa LYT kaya naman hindi kataka-takang maging close sila sa buong production team. Panay nga ang sabi ni Gabo na mami-miss niya ang lahat ng kasamahan.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with