^

Pang Movies

Julie Anne at Arci palaging may bago sa hitsura?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Julie Anne at Arci palaging may bago sa hitsura?!
Julie Anne San Jose

May pagkakapareho sina Julie Anne San Jose at Arci Muñoz. Sa tuwing makikita ko sila, may mapapansin kang bago sa kanilang mukha na nakakabighani.

Sina Arci at Julie Anne is one of the busiest sa kanilang contemporaries. Nasa magkaibang network silang dalawa.

Kapamilya si Arci na pinayagang gumawa ng projects sa ibang produksyon, kaya bukod sa kasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN na Pamilya Ko, meron din siyang movie with JC Santos, ang Open, na entry nila sa PPP 3.

Si Julie Anne naman ay Kapuso at co-host ni Rayver Cruz sa The Clash 2 ng GMA-7.

Magsisilbing mga hurado naman ng nasabing contest sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.
Guess what other thing Arci and Julie Anne have in common?

Pareho na silang hiwalay sa kani-kanilang boyfriend. Si Julie Anne kay Benjamin Alves, habang si Arci naman kay Anthony Ng na isang non-showbiz guy.

McCoy nag-enjoy sa ‘tikiman’ nila ni Roxanne!

Enjoy daw si McCoy de Leon sa kanyang role as a young man na may malubhang sakit na gumawa ng bucket list kung saan gusto niya itong tuparin bago mamaalam sa mundo, at isa sa nakalista roon ay ang makatikim daw ng sex sa kahit na sinong babae at kahit anong edad, at ang nakatalik niya ay mas matanda sa kanya na ginampanan ni Roxanne Barcelo na mas matanda nga sa kanya in real life.

Kasama niya sa pelikulang G! sina Jameson Blake, Paulo Angeles, Mark Oblea at Kira Balinger. Idinirek ito ni Dondon Santos at produced by Cineko Productions.

Alden madalas ipasan si Jo sa taping

Malaki raw ang respeto ni Alden Richards sa little people na si Jo Berry, hindi lang dahil gaganap ito bilang kanyang adoptive mom sa bago niyang seryeng The Gift sa GMA-7, kung hindi dahil ito raw ay napakabait na tao. Ito nga raw ang dahilan why he doesn’t mind na ipasan ito sa kanyang likuran kapag may location sila na kailangang puntahan at maglalakad lamang.

Actually, hindi lang daw siya kay Jo impressed, pati na rin daw sa lahat ng senior co-stars niya like Elizabeth Oropesa, Luz Valdez, Christian Vasquez at Jean Garcia ay hanga rin siya.

Makakasama rin ni Alden sina Martin del Rosario, Ysabel Ortega, Betong Sumaya, Thia Thomalla at Mikee Quintos and it is directed by LA Madridejos. Magsisimula ang The Gift sa Monday, September 16.

Sue pumalag sa mga namimili ng panonoorin!

Hanggang ngayon pala ay dinidibdib pa rin ni Sue Ramirez ang naging pronouncement ng isang TV interview ng ilang kabataang nagki-claim na regular silang nanonood ng mga pelikulang Pilipino, pero ‘dapat’ ay sikat na mga artista ang mga bida roon, and they even cited the names of Kathryn Bernardo at Alden Richards na parehong mga bida sa currently showing pa rin na pelikulang Hello, Love, Goodbye at patuloy pa rin sa pagratsada sa takilya.

“Eh paano kami,” tukoy ni Sue, na bida naman sa pelikulang Cuddle Weather with RK Bagatsing na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mag-o-open today in theaters nationwide.

Ang ganda raw ng theme ng pelikula na may kuwento tungkol sa dalawang tao na both engaged sa prostitution business. They fell inlove with each other eventually.

Ayon kay Sue, naglabas daw talaga siya ng flesh sa nasabing movie.

A production of Project 8 corner San Joaquin Projects and Regal Entertainment, Cuddle… is directed by Rod Marmol.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with