^

Pang Movies

Imelda susubukang punuin ang Philippine Arena

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Imelda susubukang punuin ang Philippine Arena
Imelda Papin

Hindi makakaabala sa kanyang trabaho bilang Vice Governor ng Camarines Sur ang gagawing paghahanda ng dating Sentimental Songstress at hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin ang titulong Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin.

Ipagdiriwang nito ang kanyang 45 na taon bilang isang recording artist/singer sa pamamagitan ng isang malakihang palabas/concert na magaganap sa Philippine Arena sa October 26, 2019. Pinamagatang Imelda Papin Queen @45, the show will celebrate not only her success in providing entertainment hindi lamang sa kanyang mga kababa­yang Pilipino kundi maging sa international audiences na dinudumog siya sa kanyang maraming performances sa USA, lalo na sa Las Vegas na kung saan ay nakipagsabayan siya kina Melissa Manchester, Neil Sedaka, Paul Anka to name a few. Nagkaro’n din siya ng palabas sa TV  at sa radyo sa entertaiment capital na ito ng mundo na sa isang panahon ay inulan  ng kanyang poster at bulletin boards.

Isang paraan ng pasasalamat niya ang Imeda Papin Queen @ 45 dahil sa sobrang blessing na tinanggap niya mula sa Panginoon, na sinubok na niyang i-pay forward sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga dialysis centers, lalo na sa mga QC government hospital na madalas puntahan ng mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.

Malaki din ang partisipasyon ng pinamumunuan niya ngayong Katipunan ng mga Artista sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) para mabigyan ng PhilHealth, SSS, Tesda certificates ang lahat nilang myembro, pati na rin  ang pagtatatag niya ng Alliance for Performers and Entertainers  para sa mga artista in  general, yung mga hindi myembro ng Actors Guild. 

Makakasama niya sa Imelda Papin Queen @45 sina Andrew E., April Boy Regino, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Darius Razon, Jovit Baldovino, Marco Sison, Pilita Corrales, Victor Wood, Sonny Parson & Hagibis Band, LA Santos, Maffi Papin, Gloria Papin, Aileen Papin and Garry. Direksyon ito ni Mel Villena (musical), Joanna Laygo (concert), Gabby Ramos (Creative).

Hearing sa Senado para nang teleserye

Malapit nang maabot ang kasikatan ng ating mga telenovela ang ginaganap na hearing sa Senado ngayon para sa traffic at ilan pang major na problema sa bansa. Talagang pinanonood na ng tao ang kaganapan sa Senado, at naghihintay ng wakas at solusyon.

Sana lang ay makapagbigay ang mga ganitong hearing ng solusyon sa problema ng tao at hindi maging political exercise lamang para maipamalas ng ating mambabatas ang kanilang katalinuhan.

Derek at Andrea biglang nanlamig

Bigla, parang nanlamig ang mainit na usapan nung sa pagitan nina Derek Ramsay at Andrea Torres na sinasabing pinaglapit ng kanilang trabaho sa The Better Woman. Nabigyan nga ng dahilan para isipin ng manonood na maaari silang lumampas sa pagiging co-stars at pagkakaibigan lamang, lalo na when they started bonding outside of work.

Nagsawa na ba sa kanilang closeness ang dalawa at napag-isipan na mas mabuti silang co-workers than lovers? Hintayin na lang natin at baka naman on vacation lang sila from love.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with