^

Pang Movies

Kathryn ayaw sukuan ang Sarah/Daniel movie!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kathryn ayaw sukuan ang Sarah/Daniel movie!
Kathryn Bernardo

Isa si Maymay Entrata ang nagpatotoo kung gaano ka-humble ang kasintahan at ka-loveteam ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Si Maymay ay kasama sa record-breaking movie nina Kathryn at Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Ayon kay Maymay, sa kabila ng estado ngayon ni Kathryn, napaka-down-to-earth pa rin umano nito hindi lamang sa kanyang mga katrabaho kundi maging sa fans.

Kung si Kathryn lamang ang masusunod, gusto niyang matupad ang unang tambalan sa pelikula nina Sarah Geronimo at Daniel. Noon pa nagsabi si Sarah na gusto niyang makatrabaho si Daniel at ganoon din naman si Daniel kay Sarah.

Kapag natupad umano ang team-up sa pelikula nina Sarah at Daniel, tiyak na ito’y patok sa takilya.

Janine pumasyal sa NY Fashion week

Rumampa sa New York Fashion week ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach suot ang gown na likha ng kilalang fashion designer na si Albert Andrada.  Bukod kay Pia, rumampa rin sa New York Fashion Week (September 6 – 14,  2019) ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray at ang 2012 Miss Universe 1st runner-up na si Janine Tugonon na naka-base na ngayon sa New York  kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang modeling career.

Hindi man rumampa ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez, masayang-masaya ito na siya’y nakadalo sa prestigious fashion week in New York kasama ang fashion blogger na si Laureen Uy.  Suot ni Janine ang orange dress na gawa para sa kanya ng designer na si Martin Bautista na kanyang tinernohan ng Jacquemus shows and bag.

Ang pag-attend ni Janine ng New York Fashion Week ay may kinalaman sa kanyang pagi­ging brand ambassador ng isang shampoo na isa sa mga sponsors ng NYFW who provided her the ticket to the A-list fashion week sa Big Apple.

Jade Lopez buntis na

Pregnant ngayon ang Kapuso actress at isa sa Starstruck Season 1 avengers na si Jade Lopez sa magiging first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Rocky Siccion.

Inamin ni Jade na nagka-miscarriage umano siya last year sa magiging first baby sana nila ng kanyang husband na si Rocky pero umasa silang mag-asawa na magiging successful ang kanyang second pregnancy.

Ang mag-asawang Jade at Rocky got engaged in 2017 pero sila’y ikinasal nung October 22, 2018 sa Manila Cathedral na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends. 

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with