^

Pang Movies

Inigo tuloy ang pag-level up ng music

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Inigo tuloy ang pag-level up ng music
Inigo Pascual

Pang international talaga ang peg ni Inigo Pascual na nagpakitang gilas na naman sa bago nitong single na Adios ka-collaborate ang Singaporean rapper na si Akasha lalo sa kanilang music video na nagpapaindak sa kanta.

Ang Adios ay isang break up song pero hindi ito mapapansin dahil sa beat ng kanta na talaga namang mapapasayaw ka.

Proud ang fans ni Inigo dahil dinadala nito ang OPM sa next level. Hindi mo nga aakalain na Pinoy ang nasa likod ng kantang ito dahil tunog international. Super ganda rin ang kanilang music video na locally made.

Bagay naman kay Inigo ang pang international vibes na pinapatunayan nitong puwede siyang umalagwa sa foreign music scene.

Maganda rin ang pagkaka-rap ni Akasha kahit nga ba may iilan na nagsasabing tila nahihilig si Inigo sa mga foreigner na babae sa kanyang collaborations. Hanggang ngayon ay may fans na hindi pa rin tanggap na hindi nag-work ang relasyon ni Inigo kay Maris Racal. Obvious sa fans ang mabilis na pag-move on ni Inigo sa tono ng kanyang bagong single na halata raw na sinulat nito ang kanta para kay Maris.

Mabuti na lang may movie together sina Maris at Inigo kaya kahit papaano ay may aabangan pa rin sa loveteam nila. Ito ang I’m Ellenya L. na kasali sa gaganaping 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with