^

Pang Movies

Bea iniba ang hitsura sa bagong serye

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Bea iniba ang hitsura sa bagong serye
Bea

Alam mo, Ateng Salve, kumalat na sa social media ang pictures na kuha sa taping nina Richard Gutierrez, Bea Alonzo, Rafael Rosell at iba pa sa General Santos City (GenSan).

Mga fan na ayaw magpapigil ang nag-post ng pictures, kaya nakita na ang hitsura ni Bea na maiksi ang buhok sa mga eksena nila ni Richard na kinunan sa fish port sa lugar na ‘yon.

Naka-wig si Bea, pero mukhang totoo naman dahil human hair daw ‘yon.

Mukhang excited ang mga fan sa bagong teleserye ng ABS-CBN, kaya panay na ang post nila ng pictures.

Lihim pa raw ang ibang cast na kasama roon, kaya quiet na rin muna ako.

Mayor Isko guest sa pelikula ng anak

Isa si Joaquin Domagoso na anak ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga ilo-launch sa youth-oriented movie na Jolly Spirit Squad.

Maraming stars na nag-guest sa pelikulang ‘yon na ang supervising producer ay ang batikang direktor na si Tony Y. Reyes (hindi siya ang direktor ng pelikula).

Siyempre, dahil bida roon si Joaquin, kahit busy si Mayor Isko ay hindi siya nakatanggi na mag-guest.

Kinunan na nga ang guest role ni Mayor Isko sa Jolly Spirit Squad.

At dahil priority ng actor/politician ang pagiging alkalde ng Manila at palagi siyang nakatutok sa lungsod, ginawan ng paraan na hindi makasagabal ang shooting sa schedule niya sa Manila.

Sa Manila City Hall kinunan ang kanyang eksena.

Bale one day lang daw si Isko sa Jolly Spirit Squad.

Kasama rin sa pelikula si Aneeza Gutierrez na panganay nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, kaya guests din daw ang mag-asawa sa Jolly Spirit Squad.

Anak ng aktres kinapos sa PR

Poker-face ang mukha ng anak ng isang aktres nang isama niya ito sa isang party kamakailan.

Kahit super tsika si aktres sa mga reporter, hindi man lang ngumingiti ang anak.

Supladito ang anak ng aktres, pero dedma na lang ang mga reporter.

Ayaw nilang masira ang magandang mood ni aktres na sobrang proud pa naman ito sa anak na kilala na rin sa ibang industry.

‘Yun na!

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with