^

Pang Movies

Willie tinatawag nang ‘captain’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Willie tinatawag nang �captain�
Willie Revillame

Captain na ang tawag kay Willie Revillame ng kanyang mga kaibigan dahil marunong na siya na magpalipad ng helicopter.

Talagang pinagtuunan ni Willie ng atensyon at panahon ang pag-aaral ng pagpapalipad ng helicopter dahil sa kagustuhan niyang matuto.

Ang sabi ni Willie, marami siyang natutunan tulad ng mga klase ng hangin na hindi binibigyang-pansin ng mga ordinaryong tao na sakay lamang nang sakay sa mga eroplano at helicopter.

Dalawa ang mamahaling helicopter na pag-aari ni Willie na anytime, puwedeng-puwede niya na paliparin. Hindi gaya nang dati na kumukuha pa siya ng piloto na magdadala sa kanya sa beach resort niya sa Puerto Galera at sosyal na hotel sa Tagaytay City.

Maganda rin ang motibo ni Willie na makatulong sa mga nangangailangan kung sakaling may kalamidad sa ating bansa at kailangan ng mga volunteer na maghahatid ng relief goods sa affected areas.

Mga senior citizen na pinalaya sa kulungan wala nang binalikang pamilya

So sad naman ang mga senior citizen na pinalabas ng Bureau of Corrections dahil matatanda na.

Totoo na sa bawat kasalanan, may kaakibat na parusa na patotoo na dapat nating pilitin na maging maayos ang ating mga buhay para maiwasan natin na makagawa ng mga kasalanan.

Imagine, after long years of staying in prison, paglabas ng mga matatandang preso, wala na ang pamilya na inaasahan nila at wala na silang mapuntahan.

‘Yung isang matanda na pinalabas mula sa kulungan, nananatili lang sa paligid ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at dito na lang natutulog, nanghihingi ng makakain dahil walang pamilya na uuwian.

Now, mas gusto pa niya na magbalik sa loob ng kulungan dahil may matutulugan at makakain siya. Sad life, pero ‘yon ang kabayaran ng kasalanan na ginawa niya.

Pagre-repaint ng bahay nakakaakit ng good feng shui

Type na type ko ang repainting ng bahay dahil sa napanood ko sa isang Koreanovela na good feng shui ang pagpapapinta ng bahay at ng mga gamit, lalo na ang mukhang luma na dahil mababalik ang brightness at parang binigyan ng bagong buhay.

Parang totoo naman ang napanood ko sa Koreano­vela dahil kapag bagong pinta ang bahay at ang mga gamit, maaliwalas sa paningin at malinis na malinis ang paligid.

At kapag napintahan ang bahay, parang isang tao na bagong bihis at nabago ang kulay. Parang tao rin na kailangan ng enhancement, from dark mood to bright naman.

Magulo lang kapag may ipinapaayos at pinapi­pinturahan ang bahay. Urong-usad ng mga gamit pero nawawalis naman ang mga nakatago na alikabok na good feng shui din dahil nawawala ang mga dumi.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with