^

Pang Movies

Baby boy ni Marian maraming endorsement na nakaabang

Joe Barrameda - Pang-masa
Baby boy ni Marian maraming endorsement na nakaabang
Marian Rivera

MANILA, Philippines — Balik trabaho si Marian Rivera after ilang buwan nag-leave dahil sa kanyang panganganak. Sa mga panahong naka-leave siya ay pinaghandaan niya ang kanyang panganganak na nagbunga ng isang malusog na sanggol na kapapanganak palang ay umani na ang bata ng mga papuri at nakaabang na lahat ang mga possible endorsements. Kaya masuwerte ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian na parehong may magandang lahi na siyang dahilan ng mga magagandang supling.

Habang nakabakasyon si Ma­rian ay ang asawang si Dingdong ang pumalit muna sa kanya bilang host ng Tadhana na nagse-celebrate ng second year anniversary.

Jeric walang reklamo sa taping

Finally ay nag-umpisa na ng taping ang Magkaagaw na isang upcoming teleserye ng GMA. Ito ay pinagbibidahan ni Jeric Gonzales kasama sina Klea Pineda, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon at Alfred Vargas.

Sa mga unang araw palang ng taping ay mabibigat na eksena na agad ang mga kinunan since guest role lang si Alfred at kailangan gawin agad dahil may session na ang Kongreso. Kaya napasabak agad si Jeric Gonzales sa heavy drama plus napasabay pa ang taping niya sa Magpakailanman kung saan heavy din ang eksena nila bilang magkapatid naman dito sila ni Mark Herras. Kaya may ilang pagkakataon na dire-diretso ang taping ni Jeric sa Magkaagaw at Magpakailanman na walang tulog.

Gayun pa man ay walang reklamo si Jeric being a professional actor na after taping ng MPK ay kahit walang tulog ay takbo naman siya sa Bench Event bilang new endorser ng nasabing apparel brand.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with