^

Pang Movies

Bea niregaluhan ni Aga ng painting

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bea niregaluhan ni Aga ng painting

Last September 3 ay tumulak patungong General Santos City  sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez at nagbabalik-Kampamilya na si Rafael Rossel at Jennica Garcia para sa isang bagong teleserye ng Kapamilya network na wala pang titulo. Agad sumabak ang grupo sa kanilang first taping day sa fishport ng GenSan.

Mukhang nakapag-move on na si Bea sa malaking kontrobersiyang kanyang kinasangkutan along with her ex-boyfriend na si Gerald Anderson at Julia Barretto.

Bukod sa teleserye, may movie rin sina Bea at Richard kasama si Angelica Panganiban under Star Cinema, ang Man, Woman, Wife.

Ang first TV series na pinagtatambalan nina Bea at Richard ay tampok din sina Helen Gamboa, Isabelle Daza, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, Ana Abad Santos at kung saan may special guest participation sina Edu Manzano at Nonie Buencamino.

Samantala, nakatanggap ng regalo si Bea mula kay Aga Muhlach, isang painting na siya mismo ang subject.

Enchong mamimili kung sino kina Bea at Erich ang didikitan sa Ball

Mahigit tatlong taon na rin matapos ang last break-up ng actor-entrepreneur na si Enchong Dee sa kanyang British-Filipino model ex-girlfriend na si Samantala Lewis na may anak na sa present partner nitong photographer na si Andrea Lukas.

Choice ng 30-year-old swimmer-turned actor, singer, model and entrepreneur na huwag munang mag-girlfriend sa ngayon dahil mas naka-focus umano siya sa maraming bagay including his showbiz career ang being a businessman.

Dalawang magkahiwalay na presscon ang dinaluhan ni Enchong last Thursday, ang ika-20th anniversary ng Knowledge Channel kung saan siya may programang AgriCOOLture at ang pelikulang Circa na isa sa sampung pelikulang kalahok sa ika-3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimulang mapanood ngayong September 13-19, 2019.

Sa kabila ng busy schedule ni Enchong ay nakuha pa rin nitong kumuha ng kanyang master’s course in business administration dahil kailangan niya ito sa larangan ng pagnenegosyo.

Ayaw pa sabihin ni Enchong kung sino ang kanyang makaka-date sa darating na star-studded ABS-CBN Ball na pinaghahandaan ng lahat ng mga Kapamilya stars and talents taun-taon. Since close na kaibigan ni Enchong sina Erich Gonzales at Bea Alonzo, may suspetsa ang iba na malamang isa sa dalawang Kapamilya stars ang makasama ni Enchong sa inaabangang ABS-CBN Ball pero ayaw itong i-reveal ng swimmer-turned actor, singer at model.

Samantala, hindi ikinakaila ni Enchong na nag-i-enjoy umano siya bilang host ng AgriCOOLture ng Knowledge Channel dahil marami umano siyang natutunan sa programa. Honored naman siya na makatrabaho ang mga tinitingalang mahuhusay na actors na sina Anita Linda, Jaclyn Jose, Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikulang Circa na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr.

Inamin ni Direk Adolf na dalawa umano sina Enchong at isa pang young actor ang pinagpilian for the role nito sa Circa pero si Enchong ang final choice bagay na pinasalamatan ng Kapamilya actor.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with