^

Pang Movies

Magkapatid na sumali sa sindikato, tampok sa MPK

Pang-masa

MANILA, Philippines — Anong kaya mong i-sakripisyo kung sa murang edad ay ikaw na lamang ang bumubuhay sa iyong mga kapatid?  Ngayong Sabado, tunghayan sa Magpakailanman ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan ng tatlong magkakapatid na sina Mark, Marvin at Michael.

Dahil maagang namatay ang kanilang mga magulang, ang panganay na si Mark na ang nagtaguyod kina Marvin at Michael. Pero dahil hindi nakatapos ng pag-aaral, nahirapan siyang magha­nap ng trabaho, hanggang sa napilitan siyang sumapi sa isang drug syndicate. Ang kinikita niya dito ang ginamit niyang pangtustos sa pangangailangan at pag-aaral ng dalawang kapatid.

Pero darating ang araw na tatahakin na rin ng isa sa mga kapatid ni Mark ang maling landas. Huli na nang malaman niyang sumali rin ang isa sa mga ito sa isang sindikato. Dumating pa sa punto na naipit si Mark sa isang sitwasyon at kinailangan niyang pumili sa pagitan niya o sa buhay ng kanyang kapatid. Handa pa rin ba siyang magsakri­pisyo?

Sa pangunguna ng Kapuso Heartthrobs na sina Mark Herras, Jeric Gonzales at Yasser Marta, kasama sina Andrew Schimmer, David Remo, Will Ashley, Seth dela Cruz, at Prince Clemente, tunghayan ang isa na namang totoong kuwento ng mga totoong tao na aantig sa inyong mga puso.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with