^

Pang Movies

Kisses nami-miss si Donny

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Kisses nami-miss si Donny

Matapos ang nakapanlulumong hiwalayan nila ni Donny Pangilinan na muling nagbigay ng heartbreak sa napakarami niyang followers, back to normal ang PBB alumna na si Kisses Delavin na nag-decide balikan ang kanyang pag-aaral na akala ng lahat ay iniwan na niya because of what happened to her heart in the past. 

Tama na muna yung loveteam-loveteam, she has had enough of that pero, sinabi niyang kapag nagkita silang muli ni Donny ay malamang ay magkaroon silang muli ng balitaan, kamustahan. She admits to have missed him. Payag siyang mag-artistang muli. Katunayan ay may maganda na siyang role ngayong Sabado sa Ipaglaban Mo kasama sina Cris Villanueva, Rita Avila at Christopher Roxas.

Vice, lalaki pa rin daw!

Huwag nang mag-react si Vice Ganda sa sinabi ni Sen. Tito Sotto na ang lalaki “will never be a woman”. Maging gay man siya, bisexual, o transgender, he will always be a man and categorized as such. It’s a simple truth that he will have to live with, for as long as he lives. Bakit hindi niya kaya?

Career ni Gerald ‘di natibag

Huwag ding pagtakhan kung naapektuhan man si Gerald Anderson sa mga bashing na tinatanggap niya dahilan sa kinasangkutan niyang kontro­bersya. It was his own doing. Walang dapat na ibang maapektuhan. Buti nga yun lang ang nangyari sa kanya, hindi niya naibuwis ang karera niya.

Meryll at Sharlene magpapaiyak sa MMK

Makabagbag damdamin na kuwento ng isang mag-ina, sina Gina (Meryll Soriano) at Alot (Sharlene San Pedro) ang tampok mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya na nasa direksyon ni Chiqui Lacsamana.

Pilit na binabago ng mag-inang Gina at Alot ang takbo ng kanilang buhay para hindi matulad sa naging buhay ni Gina na iniwan ng kanyang ina sa isang tulay at hindi na binalikan na parang isang pusa.

Nabuhay siyang may galit. Mahigpit man at mahirap ang buhay niya sa piling  ng kanyang ama, mas namayani ang galit sa puso niya. With a family of her own, gina vows to prevent the same occurrences to her own family. Pero may leukemia ang anak kaya hirap na hirap na ito.

Makakapag-isip pa ba siya ng mabuti sa kanilang sitwasyon?

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with