^

Pang Movies

Carlo nagpakatotoo na

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Carlo nagpakatotoo na
Carlo Aquino

Tama lamang na ipakilala na ni Carlo Aquino ang girlfriend niyang si Trina Candaza kahit na sa panahong ito ay may movie sila ni Maine Mendoza.

 Hindi rin naman lingid sa lahat ang relasyon ni Maine kay Arjo Atayde.

Mas appreciated ng fans na open sila sa kani-kanilang lovelife kesa yung itinatago pa nila. Let the people decide.

Hindi naman nag-iilusyon ngayon ang fans kina Maine at Carlo, unlike nung sa ‘balikan’ ng aktor at ng ex nitong si Angelica Panganiban. Umasa kasi ang CarGel fans na mauuwi na sa matamis na happy ending ang dalawa, pero hindi pala, dahil may ibang dyowa si Carlo.

Violeta Bayawa ng TNT, pang-MMK ang life story

May maganda palang kuwento ang TNT grand finalist na si Violeta Bayawa na hanggang ngayon ay kinukuwestiyon ko pa rin ang pagkakapili sa kanya bilang grand finalist, dahil dehado ito sa pagandahan ng boses at pagkanta sa nasabing contest.

Hanggang ngayon ay naniniwala ako na hindi pangmalakihang contest ang boses niya at nahaluan lang ng emosyon ang ginawang pagpili sa kanya ng mga hurado.

Samantala, after 50 years, balik-bansa ang ex ni Violeta na nang-iwan sa kanya. Obviously, kapag binalikan siya nito ay tatanggapin niya.

Puwedeng-puwede nang pang-Maa­laala Mo Kaya ang kuwento niya, sana ay maitampok ito roon para masulit ang pagod niya at hindi na siya problemahin ng judges.

Seth pambihira ang natatanggap na suwerte

Bida si Seth Fedelin sa palabas sa iWant na Abandoned kung saan kasama niya si Beauty Gonzales.

Malaki ang ginawa nitong pagtulak sa kanyang estado bilang artista, mabilis ang kanyang naging pag-angat nang mapasama sa seryeng Kadenang Ginto bilang kapareha ni Andrea Brillantes.

Pambihira ang suwerte niya, pagyamanin pa sana niya.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with