^

Pang Movies

Umamin... McCoy, Jameson, Paulo at Mark nawala ang virginity sa mga may edad na babae!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Umamin... McCoy, Jameson, Paulo at Mark nawala ang virginity sa mga may edad na babae!

Kabilang ang sexual awakening ng mga millennial na mapapanood sa pelikulang G! na isa sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Makikita naman sa trailer na bumibili sila ng condom. We are rated PG by the MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Malalim ang makukuhang lesson ng mga kabataan sa pelikula. Hindi lang puro kalokohan,” saad ni direk Dondon Santos.

Sa pagkakataong ito, tinanong namin sa media­con ang apat na bidang lalaki, sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea kung virgin pa ba sila sa babae.

“No!” sagot ni Jameson.

“Pag sinabi ko bang hindi, maniniwala kayo? Hindi na,” tugon ni Mark.

“Siyempre parte ng pagiging lalaki ‘yan. No. Hindi na,” sagot ni Paulo.

“After marriage po sana eh. Kaso, hindi na umabot! Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni McCoy.

Ginawa ba nilang bucket list ‘yon?

“Share ko lang. Ako mas older woman ‘yon. Hindi ko akalain. Dapat after marriage dapat,” dagdag ni McCoy.

“Older sa akin. Mas experienced,” sey ni Jameson.

“Same age. Hanggang tingin lang ako. Joke lang!” sey ni Paulo.

“Siguro older. Gusto ko ‘yung matututo ako,” sagot ni Mark.

Kung ang tatlong lalaki ay natuto sa unang karanasan, si McCoy naman ay, “Nagulat po ako eh! Nagulat ako kasi mas older ‘yung babae,” sabi pa ni McCoy.

Pero may isang eksena raw silang apat na tumakbo nang hubo’t hubad sa loob ng isang hotel, huh!

Confident naman daw sila sa pagkalalaki nila kaya walang isyu sa kanila kung may nasilipan sila.

vuukle comment

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with