^

Pang Movies

Ariana Grande dinemanda ang isang fashion brand na magsasara na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ariana Grande dinemanda ang isang fashion brand na magsasara na!
Ariana Grande

Sinampahan ng kaso ng singer na si Ariana Grande ang fashion brand na Forever 21 dahil sa paggamit diumano sa kanyang image nang walang pahintulot.

Sa filed legal documents noong nakaraang September 2 sa California court, dinemanda ng Thank You, Next singer ang fashion brand at ang anak ng founder nito na si Riley Rose for “false endorsement, trademark infringement and copyright infringement among other claims.”

Ayon sa report, nilapitan ang singer noong December 2018 para sa endorsement ng Forever 21 via social media marketing, including posts on Instagram and Twitter.“Given her stature, influence, and social media following, the market value for even a single Instagram post by Ms. Grande is well into the six figures, and she commands in the mid-seven figures to over eight figures for longer-term endorsement deals, marketing campaigns, and/or licensing deals for use of her name and likeness,” ayon sa filed documents.

Pero walang pinirmahan na anumang endorsement deal ang management ni Ariana dahil hindi raw sufficient ang ibabayad ng kumpanya sa paggamit ng pangalan at anumang naiuugnay kay Ariana.

Noong February 2019, naglabas ang Forever 21 ng unauthorized images ng singer para sa kanilang brand campaign. Dahil sa ginawa ng Forever 21, ang hinihinging danyos ni Ariana ay “compensatory and treble ­damages in an amount to be proven, but in no even less than $10 million,” at “permanent injunction restraining and enjoining Defendants from using Ms. Grande’s name, images, likeness, persona, copyrights and Plaintiffs’ trademarks.”

Nababalitang magsasara na diumano ang Forever 21 dahil sa bankrupcy.

Katrina ipinasilip ang bagong renovate na bahay 

Proud na pinost ni Katrina Halili sa kanyang Instagram account ang malapit na niyang matapos na bahay. Nagpa-renovate ng kanyang bahay si Katrina at nagpapasalamat ito sa mga taong tumulong sa kanya.

Kaya naman pala walang pagod si Katrina sa pagtrabaho dahil gusto niyang mas lalo pang mapaganda ang bahay nila ng kanyang anak na si Katie.

Sa isang IG video, pinakita ni Katrina na siya mismo ang nagbabarena sa pader ng kanyang bahay.

Victor sobrang na-miss ang action

Na-miss ng aktor na si Victor Neri ang gumawa ng action film kaya tinanggap niya ang role sa GMA primetime teleserye na Beautiful Justice kung saan gumaganap siya bilang isang PDEA agent.

Kabilang din si Victor sa pag-train sa cast ng teleserye sa ilang technical aspects ng kanilang role bilang mga PDEA agents. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang paghawak ng firearm, hand-to-hand combat hanggang sa tamang porma ng isang law enforcer.

Nagbida si Victor sa ilang action films noong ‘90s tulad ng Asero, Utol, Amanos: Patas Ang Laban, Iskalawag, Birador, Notoryus, Tigasin, Suspek, at Ex-Con.

Bukod sa pagiging trained martial arts expert, nag-train din si Victor bilang bomb disposal technician with the Philippine Coastguard at nagtrabaho rin ito sa Philippines’ Bureau of Immigrations’ fugitive search unit.

vuukle comment

ARIANA GRANDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with