^

Pang Movies

JM mukhang wala sa sarili nang magpa-interview

YSTAR - Baby E - Pang-masa
JM mukhang wala sa sarili nang magpa-interview
JM de Guzman
 

Common knowledge that a few years back, nasaktan ng labis ang kanyang ina dahil sa pagkalulong niya sa masamang bisyo na nauwi sa pagpasok niya sa rehabilitation.

Alam niyang nakabawi na siya sa mga magulang nang ma-overcome niya ang kanyang addiction at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

He promised to make them proud once more.

JM’s dad, who works for a top broadsheet is a most admired and respected journalist. “Mabait ang batang ‘yan, napakagaling na aktor,” says senior actress Perla Bautista, who plays his lola sa upcoming series nila na Pamilya Ko.

“Sabi ko nga sa kanya, pagbutihin pa niya lalo, and he will go even further as performer,” dagdag ni Perla.

JM appears as one of the eight children ng mag-asawang ginagampanan nina Joey Marquez at Sylvia Sanchez.

Ang iba pang younger actors at actresses na gumanap pang mga supling nina Joey at Sylvia ay sina Kiko Estrada, Jairus Aquino, Kid Yambao, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia at child actor Raikko Mateo.

Featured din sina Arci Muñoz, Irma Adlawan, Noel Trinidad at Alyssa Muhlach.

Kiko kasama sa pangarap ang pakasalan si Devon

Kiko Estrada belongs to a family of actors. His Dad, actor-politician Gary Estrada, is the son of the late George Estregan, younger brother of former President, then Manila Mayor Joseph Estrada.

His stepmom naman na si Bernadette Allyson kung saan may dalawa pa siyang kapatid, was a former actress too. Ganundin ang kanyang ina na si Cheska Diaz na anak ni Paquito Diaz.

Uncle niya si Joko Diaz na kasalukuyang napapanood sa Kadenang Ginto.

Artista rin ang kanyang current girlfriend na si Devon Seron na produkto ng Pinoy Big Brother.

Twenty four lamang si Kiko at maraming pangarap sa buhay, pero nang tanungin siya ni Boy kung kasama ba roon ang pakasalan si Devon, “Right now, I’d say yes,” agad ang sagot nito.

“I’d say that Devon is a wife material, and I’m lucky she is my girlfriend,” dagdag pa ni Kiko.

Maris at Inigo pinag-usapan ang hiwalayan

Final na talaga ang desisyon nina Maris Racal at Inigo Pascual na maghiwalay ng landas. Nag-usap daw ang mga ito na mag-focus muna sila sa kanya-kanyang career – si Maris bilang actress at singer-songwriter, at si Inigo sa kanyang desire na maging international singer.

Inigo will be promoting his first single in U.S., ang Catching Feelings.

Sa ngayon, may ginawang pelikula ang dalawa, ang I’m Ellenya L na idinirek ni Boy 2 Quizon at produced ng N2 Productions at Spring Films.

Ito ay entry nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino na nakatakdang mapanood sa September 13 sa mga sinehan nationwide.

Los Bastardos magbababu na!

Less than two months na lang pala ang itatagal sa himpapawid ng action series na Los Bastardos.

No wonder, may kanya-kanya nang gagawing projects ang mga bida sa nasabing serye.

Si Jake Cuenca ay may pelikulang posibleng maisali sa Metro Manila Film Festival 2019, si Joseph Marco ay may upcoming action series uli na posibleng pagsamahan nila ni Ejay Falcon.

Si Gloria Diaz naman ay may ginagawang Netflix project na napapabalitang ipapalabas internationally.

Albie Casiño has been tapped naman to play the young Phillip Salvador in the later’s reunion with Nora Aunor, ang Isa Pang Bahaghari na idinirek ni Joel Lamangan.

May bago ring project si Ronaldo Valdez na tatay ng mga Bastardo, pero secret pa raw muna ito.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with