^

Pang Movies

Kahit sobrang busy, Ogie lumipad sa Australia para sa anak!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kahit sobrang busy, Ogie lumipad sa Australia para sa anak!
Ogie Alcasid

Bibilib ka kay Ogie Alcasid pagdating sa pagiging tatay sa mga anak na sina Leila, Sarah at Nate.

Hindi baleng mapagod ang singer/songwriter para sa kanyang mga anak.

Dahil birthday ng second daughter niya na si Sarah noong Monday, nagpa-blocked-off si Ogie ng kanyang schedule para makalipad sa Sydney, Australia at makapiling ang kanyang teenage daughter.

Sabi ni Ogie nang makausap ko kahapon, “17 years old na siya. Nag-party siya with her friends, pero kami nag-dinner lang.”

Siyempre, sobrang touched naman si Sarah sa pag-e-effort ng kanyang tatay at nagpunta pa nga sa Sydney.

Sa Friday ay babalik na si Ogie sa bansa at aasikasuhin naman niya ang promotions para sa kanyang Ogie and The Hurados concert niya on October 10 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Maraming artista, naloko ng online reseller!

May isa akong kaibigan na kakuwentuhan at nabanggit ang karanasan niya abroad nang ipaayos niya ang sun glasses na binili sa isang online reseller.

It turned out na fake pala ‘yon, kaya napahiya pa siya sa shop na pinuntahan.

“Pasisikipan ko sana ang turnilyo, pero fake pala, ‘kaloka, napahiya pa ako,” sey ng friend ko, kaya ingat-ingat sa pagbili sa ibang online resellers, ‘noh?!

Naku, ganyang-ganyan ang istorya ng isang kilalang showbiz personality na binentahan naman ng mamahaling relo ng isang kaibigan.

Nang pumunta siya sa shop ng nasabing watch brand para papalitan ng battery ang nasabing watch, naloka siya nang sabihing fake ‘yon!

Inaway ni showbiz personality ang kaibigan at ibinalik na lang ang pera niya dahil bungangera rin siya at hindi talaga niya titigilan ang nagbenta sa kanya, ‘noh?!

Paglayas ni Ian sa Dos, hindi totoo

May Filipino Fiesta sa Calgary, Canada na dinaluhan si Ian Veneracion at sponsor sa event na ‘yon ang GMA Pinoy TV.

Nasa event din si Lovi Poe.

Sa presscon ng nasabing event, magkasama sina Ian at Lovi at sa backdraft ay kitang-kita ang logo ng international channel ng GMA-7.

May mga nag-isip na baka lalayasan na ni Ian ang ABS-CBN at lilipat na siya sa Kapuso network.

Nilinaw ng isang malapit kay Ian ang bagay na ‘yon. Sponsor daw ang GMA Pinoy TV sa nasabing event, pero si Lovi lang daw ang dinala nila roon.

Si Ian daw, ang organizers ng nasabing fiesta ang kumuha. “Si Ian, September 1 ang event at si Lovi, August 31. Hindi GMA PinoyTV ang kumuha kay Ian.

“Siyempre, Kapamilya pa rin si Ian!” sabi ng kausap ko.

So, malinaw!

‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with