^

Pang Movies

Gladys iyakin sa bagong role!

Pang-masa
Gladys iyakin sa bagong role!
Gladys Reyes

MANILA, Philippines — For a change, matapos ang ilang taon na niyang pagganap bilang isang kontrabida, binigyan naman si Gladys Reyes ng role ng isang mabait na aesthetic doctor, si Dr. Elizabeth Ledesma at mother ni Juancho Trivino sa bagong GMA Afternoon Prime series na Madrasta. Biniro namin si Gladys sa set visit sa kanila sa Sitio Elena Events Place, Valley Golf, Cainta, Rizal, hindi ba magbabago ang role niya hanggang sa ending? “Let’s see kung mababago. So far kasi, wala pa akong eksenang nagtaray,” natatawang sagot ni Gladys. “Hirap lang ako dahil iyak ako nang iyak, kaya nami-miss ko iyong nagtataray ako.

“But I’m very thankful sa GMA Network dahil binigyan naman nila ko ng bagong role at hindi nila ako pinababayaan na mawalan ng trabaho. Kung minsan nga nagugulat ako, dahil after one series, meron na naman. Like meron akong Inday Will Always Love You  and TODA One I Love na kontrabida to the max pa rin ang roles ko.”

Apat na ang anak ni Gladys at ng husband niyang actor-chef na si Christopher Roxas.  Panganay nila si Christoff, 14; Aquisha, 11; Grant, 9 at si Gavin, 2.

Makakasama rin ni Gladys sa serye sina Arra San Agustin in her first lead role as the Madrasta, Thea Tolentino, Manilyn Reynes, Pythos Ra­mirez at ang nagbabalik-showbiz na si Almira Muhlach, sa direksyon naman ni Monty Parungao.

Migo nagpapasaya sa Australia kasama ang GF

Tapos na palang mag-taping ni Migo Adecer ng mga eksena niya sa papatapos nang epic-serye na Sahaya kaya nabigyan na siya ng mini-vacation ng GMA at nakapag-post na siya ng picture niya with his non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado sa kanila sa Sydney, Australia na may kasama silang kangaroo sa Featherdale Wildlife Park.

Bago nga umalis si Migo, nakumusta pa siya sa set ng Sahaya kung ano ba ang pinakagusto niyang scenes sa serye.“My favorite scenes with my Tito Harold – Zoren Legaspi – we just have this natural flowing connivance on the set, iyong throwing of powerful lines which makes me feel like we’re Men in Black agents against everyone else to protect Sahaya.  Also nakita ko that the Badjaws have strong unique culture practices, great respect to nature and their ancestors.  There’s unity, they genuinely look after each other’s welfare.”

Patuloy pa ring napapanood ang Sahaya sa loob pa ng tatlong gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with