^

Pang Movies

Maine walang planong habulin sina Alden at Kathryn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Teka lang ha, liwanagin natin bago magsimula ang mga panlalait, iyong pelikula ni Maine Mendoza na ginagawa niya ngayon sa isang subsidiary company ng ABS-CBN ay hindi talaga inaasahang magiging kasing laki ng pelikula ni Alden Richards.

Huwag ninyong maliitin si Maine kung hindi kumita nang halos isang bilyon ang kanyang pelikula. Hindi naman kasi intensiyon ng producers na gawing ganoon iyon.

Una, kung papansinin ninyo, hindi ang major film outfit ng network ang tumatayong producer noon. Ikalawa, hindi siya binigyan ng isang kilalang box-office director na may potential na ang pelikula ay kumita nang ganoon kalaki. Ikatlo, ang leading man niyang si Carlo Aquino ay hindi naman kilalang box-office hit maker.

Kung ikukumpara ninyo iyan sa project na ginawa ni Alden, na ang director ay consistent hit maker, in fact bago iyon nagawa na rin niya ang box-office history sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Kathryn ay walang dudang isang home grown box-office star ng kumpanya.

Matindi rin ang promo ng pelikula, kasi hindi naman maikakaila na ang project ay nagsimula raw mula sa suggestion ng kanilang mga promo-marketing people.

Kagaya naman ng lahat ng pelikula, natural lamang na umaasa silang kumita sa pelikula ni Maine, pero maliwanag sa simula pa lang na hindi nila inisip na iyan ay gawing isang malaking box-office hit. Kumita lang iyan kagaya ng ibang pelikula nila, ok na.

Kaya nga sinasabi naming mukhang mali iyong sinasabi ng ibang bashers ni Maine na marami pa raw pakulo, kesyo nanood pa ng concert ng kanyang leading man at kung anu-ano pa, hindi naman kakagatin ang kanilang love team. Hindi naman po sila bumuo ng love team eh. Gumawa lang sila ng pelikula, na hindi naman masasabing panlaban talaga.

Joshua mas sumikat pa nang mahiwalay kay Julia!

Nakakatuwa naman, may solo commercial endorsement na ngayon si Joshua Garcia para sa isang major food chain. Ibig sabihin, ang giant foodchain na kilala sa pagkuha sa pinakamalalaking endorsers para sa kanilang produkto ay naniniwala na magagawa na rin iyon sa ngayon ni Joshua na solo.

Mukhang mas umangat pa kung ganoon ang popularidad ni Joshua, ngayong sinasabing solo siya kaysa noong panahong nakatali siya sa isang love team.

Kailangang matuto na si Joshua, maging maingat sa diskarte sa kanyang career at ganoon din sa kanyang lovelife. Mas gusto pala ng mga tao na solo siya eh.

One week ni Anne, isang araw lang kay Kathryn!

Nalagpasan na ang first day gross ng pelikula ni Kathryn. Ang pelikula ni Kathryn ay kumita raw ng mahigit na 62 milyon sa unang araw lamang. Kumita naman ng 70 milyon ang pelikula ni Anne Curtis. Ang kaibahan nga lang, ang sinasabi ay first day ni Kathryn, sa kabila naman ay ang isang linggong kita ng pelikula ni Anne.

Narito na naman ang comparison. Ang leading man ni Kathryn ay si Alden Richards. Ang leading man ni Anne ay si Marco Gumabao. Ang director ni Kathryn, box-office hit maker. Ang director ni Anne, kilalang director ng indie films. Matindi ang promo ni Kathryn, na nag-cross promo pa sa GMA-7 at sa ABS-CBN. Iyong promo ni Anne, nakita lang nang madalas sa isang local cable channel.

Magtataka kayo kung bakit ang one day ni Kathryn, one week na ni Anne?

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with