^

Pang Movies

Marjorie nataranta nang kuyugin si Julia ng press!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Marjorie nataranta nang kuyugin si Julia ng press!

Alam mo, Ateng Salve, naaliw ako kay Marjorie Barretto sa Sweet 16 birthday party ni Lorin Gutierrez dahil parang nataranta siya habang kinakausap ng press ang anak na si Julia Barretto.

Of course, hindi deretsahang tinanong ng press si Julia tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo bilang respeto na rin sa dalaga dahil hindi naman siya umiwas sa press nang interbyuhin na siya.

Si Marjorie naman, sinabing alam niyang nice naman ang press sa kanila.

Maganda rin daw ang support system nila, kaya life goes on lang despite the controversies.

Sabi ko naman sa kanya, darating din ang araw na matatapos din ang mga problema nila at wish ko na magkaayus-ayos sila, “Sino?” tanong ni Marjorie.

Well, first and foremost, siyempre, silang magpapamilya, ang ate niyang si Gretchen Barretto at nakababatang kapatid na si Claudine!

Birthday wishes sa anak ni Ruffa, Lorin hindi muna pinagbo-boyfriend

Karamihan sa mga wish kay Lorin on her Sweet 16 birthday celebration ay  huwag muna siyang mag-boyfriend.

Hmph! Hindi kaya tumandang dalaga naman si Lorin dahil sa wish na ‘yon?

Hahaha!

Anyway, masayang-masaya si Lorin sa kanyang party at pinasalamatan ang nanay na si Ruffa Gutierrez at lolang si Annabelle Rama, plus her whole family.

Maligaya rin daw siya dahil napakarami niyang friends, plus ninongs and ninangs, na dumating doon.

“I’m so happy!” sabi ng teenager.

Atasha at Andres sa ibang bansa rin balak mag-college

Kasamang dumating ni Charlene Gonzalez sa party ang anak na si Atasha Muhlach.

Wala naman ang twin-brother ni Atasha, si Andres.

Napaka-sweet ni Atasha nang ipakilala ako sa kanya ni Charlene.

Nang makatsikahan ko siya, sinabing balak niyang mag-college sa London, United Kingdom.

Ang twin-brother naman niya ay sa Amerika raw mag-aaral dahil gusto nitong makapag-basketball din.

Nang makatsikahan ko naman si Charlene, sinabing tutok na tutok siya ngayon sa mga anak nila ng mister na si Aga Muhlach dahil nga sa plano ng mga ito na sa abroad na mag-college.

Saka na lang daw uli tatanggap ng showbiz projects si Charlene kapag nag-aral na sa abroad ang twins nila ni Aga.

‘Yun na!

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with